Potensyal na Tourist Spot sa Bayan ng Guimba, binisita ng Association Of Tourism Officers Of Nueva Ecija

     Pagsakay sa Balsa at Eat All You Can, ito ang pangunahing handog sa pagbisita sa Man Made Lake sa Barangay Nagpandayan sa Bayan ng Guimba, na planong idevelop o paunlarin upang maging ganap na tourist attraction ng naturang lugar.

     Nagtungo ang mga Tourism Officers ng Nueva Ecija at mga Stakeholders sa ipinagmamalaking lawa ng Barangay Nagpandayan para sa immersion at inspeksyon, kung saan naranasan ng mga ito ang adventure sa pagsakay sa balsa at kumain ng iba’t ibang putahe ng pagkain.

     Sinabi ni Guimba Tourism Officer Rhea Leyva Santos, kabilang ang naturang barangay sa Community Base Rural Tourism ng bayan ng Guimba, kung saan sisiyasatin itong mabuti para idevelop upang mas maging kaakit akit sa mga turista.

     Nagkakahalaga ng 250 pesos kada tao ang pagsakay sa balsa na gawa sa pinagdugtong-dugtong na kawayan, paikot sa kabuuan ng sapa, habang may aliw na hatid ang gitarista at mang-aawit na kasama sa pagsakay dito.

     Aabot naman sa halagang 350 pesos kada tao ang Eat All You Can kung saan matitikman ang iba’t ibang lutuin ng mga sariwang isda, masasarap na putahe tulad ng adobo, at ang pinakbet at saluyot na kabilang sa maipagmamalaking specialty ng barangay.

     Ayon kay Provincial Tourism Officer Tina Wycoco-Paulino, importanteng matuklasan ang potensyal na tourist spot sa bawat komunidad sa Lalawigan dahil hindi lamang ito makatutulong sa pagpapalakas ng turismo sa probinsya kundi magbibigay din ng trabaho sa mga mamamayan nito.

     Mainit naman ang naging pagtanggap ng mamamayan ng nasabing lugar kung saan naghandog pa ng sayaw ang mga bibong chikiting, na nagpaindayog din maging sa ilang bisitang naroon partikular na kina Provincial Tourism Officer Paulino at Guimba Tourism Officer Santos.

    Malaki naman ang naging pasasalamat ni Kapitan Willie Guttierez ng Barangay Nagpandayan dahil sa pagkakataon na ibinigay sa kanilang lugar upang makilala bilang isa sa may magandang Tourist Destination sa Lalawigan.-Ulat ni Shane Tolentino

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s