17 Ordinansa at resolusyon sa SB ng Aliaga, Nakabinbin Dahil umano sa “Pulitika”

Hinahadlangan umano ng SB ng Aliaga ang mga serbisyo para sa kalusugan, edukasyon, at kalikasan.

Hinahadlangan umano ng SB ng Aliaga ang mga serbisyo para sa kalusugan, edukasyon, at kalikasan.

     Nananawagan ang mga kababaihan, senior citizens, at mga kabataan ng bayan ng Aliaga sa Pamahalaang Panlalawigan na mamamagitan at makialam na sa isyu sa kanilang bayan.

     Ayon sa United Citizens of Aliaga, umaabot sa labimpitong resolusyon at ordinansa ang nakabinbin ngayon sa kanilang Sangguniang Bayan dahil sa diumano’y pamumulitika ng mga miyembro nito na kalaban ni Mayor Elizabeth Vargas.

Dumulog sa kapitolyo ang mahigit isandaang miyembro ng United Citizens of Aliaga at nakipag-dialogue sa Sangguniang Panlalawigan.

Dumulog sa kapitolyo ang mahigit isandaang miyembro ng United Citizens of Aliaga at nakipag-dialogue sa Sangguniang Panlalawigan.

     Mahigit isandaang Aliagueño ang dumulog sa kapitolyo at nakipag-dialogue sa Sangguniang Panlalawigan.

     Inaakusahan ng mga nagkaisang mamamayan na hinahadlangan ng mga miyembro ng SB na sina Konsehal Nita de Leon, Konsehal Cesar Cajucom, Konsehal Juanito Martin, Konsehal Eddie Soledad, Konsehal Ruth Macalinao, ABC Erwin Javaluyas, at Vice Mayor Alfredo Domingo ang mga programa at proyekto para sa bayan.

     Ilan sa mga serbisyong sinasabing pinipigilan sa Sanggunian ang pagkakaroon ng Philhealth ng bawat pamilya o indibidwal, pagtatayo ng ospital ng bayan ng Aliaga, pagkakaroon ng Php 45 million na pondo na paghahatian ng 26 na barangay na magmumula sa Bottoms Up Budgeting program ng National Government, malawakang pension para sa mga senior citizen, pag-apruba sa Annual Investment Plan ng Aliaga, at kolehiyo para sa mga kabataang mag-aaral.- ulat ni Clariza de Guzman