KASAMBAHAY NAGTAPOS NG SHIELDED METAL AND ARC WELDING NC II SA PMTC; PINARANGALANG MOST OUTSTANDING STUDENT

     Babae mang maituturing ngunit hindi ito naging hadlang kay Emma Viray upang mangibabaw ang kaniyang angking galing sa kursong Shielded Metal and Arc Welding NC II, matapos siyang mabigyan ng parangal na isa sa mga Most Outstanding Students ng PMTC o Provincial Manpower Training Center Batch 63 at 64.

     Si Emma ay isang kasambahay, kwento niya bagaman may trabaho ay aminadong kulang pa rin siya sa pinansyal ngunit sinikap niyang makatapos sa PMTC dahil na rin sa pangarap na makarating sa ibang bansa at makakuha ng trabaho doon.

     Ngayong 2015, mahigit dalawang libong estudyante kabilang si Emma ang nagtapos sa PMTC mula sa limang branches nito sa lalawigan.

     Ayon sa Head ng PMTC na si Raoul Esteban, mas lumaki ang bilang ng mga nagsipagtapos ngayon kumpara noong nakaraan taon.

     Aniya, malaki ang suportang ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ni Governor Aurellio “Oyie” Matias Umali sa  PMTC lalong higit sa mga estudyante na  halos libre ang pag-aaral sa kanila.

     Dagdag pa ni Esteban, katuwang nila ang Provincial Government upang maabot ng mga estudyante ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng pag-agapay sa mga ito sa paghahanap ng trabaho matapos makagraduate.

     Samantala, dumalo rin sa  naturang graduation sina Provincial Adminitrator Alejandro Abesamis, Former Boardmember Doc. Anthony Umali at Nueva Ecija TESDA Director  Melanie Grace Romero na nagbigay ng kanilang mga mensahe sa mga nagsipagtapos kasama ang ilan pang kilalang personalidad sa probinysa.-Ulat ni MARY JOY PEREZ

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s