Granada, natagpuan sa Walter Mart; at UCPB Insurance Company, nilooban

Nasa kustodiya na ng EODT sa Fort Magsaysay ang granadang natagpuan sa ginagawang Walter Mart sa Cabanatuan City.

Nasa kustodiya na ng EODT sa Fort Magsaysay ang granadang natagpuan sa ginagawang Walter Mart sa Cabanatuan City.

Aksidenteng natagpuan ang isang pinagsususpetsahang granada sa loob ng Walter Mart sa barangay Quezon District, Cabanatuan City.

Base sa report ng Cabanatuan Police Station, bandang 5:00 ng hapon nang madiskubre ng mason at karpinterong si Kenny Ragay ang granada sa construction site.

Agad na kinordon ng mga rumespondeng pulis ang lugar kung saan nakita ang hand grenade.

Nasa kustodiya na ng mga operatiba ng 15th Explosives and Ordinance Disposal Team sa Fort Magsaysay PA ang nasabing explosive device na tinukoy na isang MK2 Fragmentation Hand Grenade.

Pinasok ng magnanakaw ang UCPB Insurance Company at kinuha ang isang cellphone na pag-aari ng kompanya.

Pinasok ng magnanakaw ang UCPB Insurance Company at kinuha ang isang cellphone na pag-aari ng kompanya.

Samantala, nilooban ng hindi nakilalang suspek ang UCPB General Insurance Company sa Guellana Building, Maharlika Highway, Cabanatuan City.

Ayon sa salaysay ng messenger ng UCPB na si Joel Puno, dakong 1:00 ng hapon nang matuklasan niyang napasok ang kanilang opisina.

Pwersahan umanong dumaan ang magnanakaw sa butas na lalagyan ng air conditioning unit sa likod ng UCPB.

Natangay ng suspek ang isang Samsung cellphone na pag-aari ng kompanya.- ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s