Pagbasa ng Sakdal sa Driver ng Cabanatuan City Local Gov’t, Itinakda ng Korte

Ang task force ng ENRO habang hinuhuli noong Oct. 29, 2015 ang dump truck ng Lokal na Pamahalaan ng Cabanatuan City.

Ang task force ng ENRO habang hinuhuli noong Oct. 29, 2015 ang dump truck ng Lokal na Pamahalaan ng Cabanatuan City.

Itinakda ng korte sa November 26, 2015 ang arraignment o pagbasa ng sakdal ng hinuling driver ng dump truck ng Cabanatuan City Local Government dahil sa illegal na pagbatak nito ng lupa at bato sa bayan ng Gabaldon.

Base sa ibinabang order ng Municipal Trial Court in Cities Third Judicial Region of Palayan City, nakakita ng probable cause ang Office of the Prosecutor kung kaya inaatasan ang akusadong nakilalang si Bernie Astrera, empleyado ng Engineering Office ng Cabanatuan City Hall na magsumite ng kanyang Judicial Affidavit, sinumpaang salaysay ng kanyang mga testigo, at mga ebidensya.

Nahaharap si Astrera sa kasong Criminal Case Number 1309 dahil sa paglabag sa Provincial Ordinance No. 402 series of 2003 section 2 F.09 (c) o “No Hauling Permit”.

October 29, 2015 Hinuli ng mga operatiba ng Environment and Natural Resources Office at mga pulis ng Palayan City Police Station sa tapat ng New Capitol ang isa sa dalawampo at isang dump truck ng lokal na pamahalaan ng Cabanatuan may lamang lupa at bato na hinakot sa Gabaldon.

Una rito, nakatanggap ng letter-request si Engineer Willy Pangilinan mula kay Mayor Jay Vergara na humihiling kay Governor Aurelio Umali na mapagkalooban ng gratuitous permit.

Bago pa man ipa-receive sa kapitolyo ang naturang kahilingan ay napag-alaman na nasa barangay Calabasa sa Gabaldon na ang mga truck ng Cabanatuan at humahakot na ng bato.

Hinahakot at dinadala na umano ng mga dump truck ng Pamahalaang Lokal ng Cabanatuan City ang mga lupa at bato mula bayan ng Gabaldon samantalang hindi pa nabibigyan ng “gratuitous permit”.

Hinahakot at dinadala na umano ng mga dump truck ng Pamahalaang Lokal ng Cabanatuan City ang mga lupa at bato mula bayan ng Gabaldon samantalang hindi pa nabibigyan ng “gratuitous permit”.

Ayon kay Provincial Administrator Atty. Alejandro Abesamis,  inatasan sya ni Governor Umali na tawagan si Cabanatuan City Administrator Jose Roy Balagtas upang ipahinto muna ang paghahakot ng kanilang mga dump trucks habang hinihintay ang hinihinging permiso.

Sinubukang pahintuin ng task force ng ENRO ang dalawampo’t isang truck ng Cabanatuan na may kargang mga bato ngunit imbes na makipagtulungan ay binalewala ng mga ito ang pagpara ng mga tauhan ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ang dump truck na minamaneho ni Abrera ay pinaka huling dumaan at kaisa-isang nahuli. Bagama’t kusang lumabas ang driver ay ayaw naman nitong sumagot sa mga tanong ng otoridad at hindi rin nakipag-cooperate na ipasok ang truck sa loob ng compound ng kapitolyo.

Paliwanag ni P.A Abesamis, dahil sa pangamba na itakas, itago, at ibintang sa kapitolyo ang truck, minabuting ipitin na lang ito ng dalawang dump truck ng probinsiya.- ulat ni Clariza de Guzman