Livelihood Program para sa mga nasalanta ng bagyo, paglalaanan ng pondo ng Pamahalaang Panlalawigan

Dahil sa pananalasa ng bagyong Lando sa Lalawigan, marami sa mga kabukiran at kabahayan ang magpahanggang ngayon ay natatabunan pa rin ng mga putik, dahilan ng pagkawala ng pagkukunan ng kabuhayan ng maraming Novo Ecijano.

Mga palay na naapektuhan ng bagyong Lando

Sa naging deleberasyon sa unang pagbasa ng budget para sa 2016, naglaan ng pondo ang Pamahalaang Panlalawigan para sa planong Livelihood program na maaaring maipagkaloob sa mga Novo Ecijanong nawalan ng hanap buhay.

Kabilang pa sa tinalakay ang pagbibigay ng ayuda para sa mga magsasaka at libreng binhi na makatutulong upang makapagsimula silang muli.

Sumentro ang pagdinig sa budget, sa mga pangangailangan at proyekto ng bawat Departamento at Ahensya ng Lokal na Pamahalaan, na nakatakdang i-implimenta sa susunod na taon.

Hindi naman nagkaroon ng pagbabago sa proposed budget para sa 2016, kung saan dinala na ang usapin sa ikalawang pagbasa at muling tatalakayin sa regular session ng Sangguniang Panlalawigan, sa martes.