bebot, inutas ng ka-live in; 20-anyos na binata, nawawala

Dahil sa mainit na pagtatalo ay nagawang mapatay ni Anthony Cabrera ang kanyang karelasyon na si Mary Lean Monares.

Dahil sa mainit na pagtatalo ay nagawang mapatay ni Anthony Cabrera ang kanyang karelasyon na si Mary Lean Monares.

Iniwang nakalugmok at duguan ang isang babae matapos saksakin ng kanyang live-in partner sa higaan ng kanilang tirahan sa loob ng compound ng Reymar Rice mill sa Sitio Punot, barangay San Roque, Gapan City.

Nakilala ang biktimang si Mary Lean Monares y Lacanaria, 23-anyos, tubong Bololacao, New Lucena, Ilo-ilo habang ang suspek ay kinilalang si James Anthony Cabrera y Quinto, bente uno ng barangay Nazareth, General Tinio.

Base sa report ng otoridad, bandang 2:30 ng madaling araw, nag-away ang mag-live in sa hindi pa natutukoy na dahilan na nauwi sa pananasaksak ng suspek sa biktima gamit ang isang matalim na sandata.

Tumakas ang suspek makaraan ang insidente. Samantala, dinala naman sa isang punerarya ang labi ng biktimang nagtamo ng tama sa taas ng kanang dibdib.

Samantala- Pinaghahanap ang isang binatang dalawang araw na ngayong nawawala.

Sa sinumang may impormasyon sa kinaroroonan ni Rolando Alfaro y Galang alyas TOL, 20 years old, na residente ng barangay Soledad, Sta. Rosa ay ipagbigay-alam kay Mrs. Marilyn Alfaro sa kanyang cellphone numbers na 09263118213 at 09420901446.

Si Rolando ay bigla na lamang nawala noong November 17, 2015 sa bukid habang kasama nito ang nakatatandang kapatid na nasa itaas umano ng puno at kumukuha ng sampalok.

Pagbaba nito sa puno ay hindi na niya nakita ang kanyang kapatid- ulat ni Clariza de Guzman.