Maliliit na pipes ng Vergara Highway, Itinuturong dahilan ng pag apaw ng tubig sa ilang parte ng Cabanatuan

     Hindi maikakaila na ang delubyong hatid ng bagyong Lando ay naging dahilan ng pagkagupo ng mga kababayan natin sa Nueva Ecija lalo na sa Cabanatuan City.

binahang mga mamamayan ng Cananatuan.

binahang mga mamamayan ng Cananatuan.

     Pero ang tanong ay bakit nga ba  sa kinatagal-tagal ng panahon ay ngayon lang binaha ng ganito ang ilang mga lugar sa Cabanatuan ?

Rescue mission sa Cabanatuan City sa pangunguna ng PDRRMC

Rescue mission sa Cabanatuan City sa pangunguna ng PDRRMC

     Maging ang mga lugar na hindi binabaha ay nalubong at naging dahilan upang ilikas ang ilang mga mamamamayan na na-trap sa kanilang mga kabahayan. Sa  pag-ragasa ng tubig mula sa kabundukan ng Sierra Madre ay dadaan ito sa Cabanatuan City kung saan susundan nito ang natural flow ng tubig pababa ng Pampanga River.

     Pero kaysa tuluyang bumaba ang tubig kitang kita na  naging dahilan ang tubig na ito upang mag mistulang dagat ang buong Lungsod ng Cabanatuan. Dahil sa hindi agad nakalabas ang tubig ay nalubog sa baha a ng cabanatuan city, kahit ang mga lugar na hindi dati binabaha ay umabot ng lagpas tao ang tubig at sa kasagsagan ng gabi ay kinailangang i-rescue sa kani-kanilang mga tahanan.

Cabanatueñong evacuees sa NEHS gymnasium na nasagip ng PDRRMC.

Cabanatueñong evacuees sa NEHS gymnasium na nasagip ng PDRRMC.

     Dahil sa hindi maikakailang mga ebidensyang ito. Maraming cabanatueno ang sa unang pagkakataon ay nakaranas ng pagbaha na dulot ng bagyo. Malaking perwisyo ang pagbahang ito hindi lamang sa mga kabahayan kundi pati na rin sa hanap buhay ng ilan sa ating mga kababayan. Kitang kita rin na dahil sa maliit ang pipes ng Vergara Highway ay naging dahilan upang umapaw ang tubig at  hindi makalabas ng Lungsod ng Cabanatuan.

Naukang daan at maliit na pipes ng Vergara Highway

Naukang daan at maliit na pipes ng Vergara Highway

     Nauka ang gilid ng kalsada dahil sa hindi makalabas ang rumaragasang tubig mula sa kabundukan ng sierra Madre. Dahil sa malakas na pressure ng tubig na hindi maka tawid ay nauka na nito ang gilid ng Vergara Highway. Kitang kita ang damage na ginawa nito sa buong lungsod. Sa ngayon hindi lamang delikado ang pag bagtas sa Vergara Highway dahil sa gumuhong lupa sa paligid nito  kundi pati na rin dahil sa maliit at kakaunting pipes sa ilalim nito ay malaki ang posibilidad na maulit muli ang  pag baha sa buong Lungsod ng Cabanatuan.-Ulat ni Amber Salazar

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s