MGA ESTUDYANTE NG VINCENTIAN CATHOLIC ACADEMY-ZARAGOZA, NAGPAKITANG GILAS SA LARANGAN NG PAGSASAYAW SA POWERDANCE COMPETITION

     Nagpakitang gilas sa larangan ng pagsasayaw ang mga estudyante mula sa Vincentian Catholic Academy-Zaragoza sa ginanap na PowerDance Competition 2015 sa kanilang paaralan.

     Iba’t ibang tema ng sayaw ang nagpabilib at nasaksihan ng mga manonood na dumayo pa mula sa iba’t ibang lugar.

     Sinimulan ng elementary department ang pasiklaban kung saan naglaban-laban ang Grades 1-3, at Grades 4-6.

     Kanya-kanya ng atake sa paghataw ang mga batang kalahok sa iisang musc piece na kinaaliwan ng mga manonood.

     Halos dumagundong naman ang buong VCA ground nang magsimula na ang bakbakan sa dance floor ng mga kalahok mula naman sa High School department kasama ng kanilang mga advisers.

HUMATAW SA DANCE FLOOR ANG MGA ESTUDYANTE NG VINCENTIAN CATHOLIC ACADEMY SA GINANAP NA POWERDANCE COMPETITION SA KANILANG PAARALAN.

HUMATAW SA DANCE FLOOR ANG MGA ESTUDYANTE NG VINCENTIAN CATHOLIC ACADEMY SA GINANAP NA POWERDANCE COMPETITION SA KANILANG PAARALAN.

      Unang nagpakitang gilas ang Grade 10- St. Matthew sa kanilang Hip-Hop-themed performance. Habang isa ring Hip-Hop-themed performance ang ipinamalas ng Grade 9-St. Helena.

      Isang makulay na sayaw naman ang ipinakita ng Grade 7-St.John, na nagdala sa mga manonood sa ilalim ng dagat sa kanilang ocean-inspired performance. Tila isinama naman ng Grade 8- St.Cecilia ang lahat sa himpapawid sa kanilang sky and air-themed performance.

     Pinainit naman ng Grade 7- St.Luke ang buong dance floor nang ihataw nila ang mga nagliliyab na routines sa kanilang fire-inspired performance. Hindi naman nagpahuli ang Grade 9-St. Therese na matatapang na humataw bilang mga dancing soldiers.

       Isang mabagsik na performance naman ang ipinakita ng Grade 7- St.Mark sa kanilang sayaw na may temang kidlat. Pop dance-themed performance naman ang sumunod na nasaksihan ng mga manonood na ipinamalas naman ng Grade 8- St.Agnes.

    Sinundan naman ito ng jungle-themed performance ng Grade 9- St.Rita. Habang hinangaan naman ng mga manonood ang mabangis na performance ng Grade 10- St.Vincent sa kanilang sayaw na may temang taong lobo. At bago naman matapos ang kompetisyon, humagupit muna ang Grade 8- St.Bernadette sa kanilang pop-themed performance.

     Ayon kay Marlou Gapasin, VCA powerdance organizer, ito ang kauna-unahang power dance sa kanilang paaralan. Layunin nito na tulungang maiangat ng mga estudyante ang kanilang talent sa pagsasayaw.

     Hindi naman naitago ang paghanga ng mga manonood at mga hurado sa kanilang mga natunghayan.

     Sa elementary department, nakamit ng Grade 5 ang ikatlong pwesto, ikalawa naman ang Grade 6 students habang ang Grade 4 students naman ang itinanghal an kampeon.

     Samantala tila nagkaroon naman ng kaunting deductions sa final scores ng mga kalahok mula sa High School department dahil sa ilang paglabag sa competition rules.

     Dahil dito, bumagsak ang mataas na scores ng St. Luke at St. Vincent sa 84. 66 % at nag-tie sila bilang 4th runner up. 3rd runner up naman ang St. Agnes, 2nd runner up ang St. Matthew, habang 1st runner up naman ang St. Cecilia.

      Dahil sa pagsunod sa mga rules at husay sa pagsayaw, itinanghal bilang kampeon ang St. Therese sa score na 89.33 %. Proud na proud naman ang choreographer na si Clarence Buendia sa nakamit na tagumpay. Ayon sa kanya, hindi niya inaasahan ang kanilang pagkapanalo.

ITINANGHAL BILANG VCA POWER DANCE COMPETITION 2015 CHAMPION ANG GRADE 9- ST. THERESE.

ITINANGHAL BILANG VCA POWER DANCE COMPETITION 2015 CHAMPION ANG GRADE 9- ST. THERESE.

     Samantala ang isinagawang Power Dance Competition sa VCA-Zaragoza ay hudyat lamang ng pagsisimula ng kanilang intramurals ngayong taon. – ULAT NI JANINE REYES.

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s