Mayor Jay Vergara ng Cabanatuan, Isang US Immigrant?

      Natuklasan ni Kapitan Ramon “Suka” Garcia ng barangay Barlis, Cabanatuan City na isa pa lang immigrant sa Estados Unidos ang kanyang makakalaban sa pagka-alkalde na si Mayor Jay Vergara.

     Ayon kay Kapitan Garcia, may isang tao na nagmalasakit sa kanya at ipinagbigay-alam na US immigrant ang kasalukuyang Punong Bayan ng Cabanatuan.

      Dahil sa nadiskubreng impormasyon ay naghain ng petisyon si Kapitan “Suka” sa Commission on Elections upang makansela ang Certificate of Candidacy ni Vergara dahil hindi umano totoong limampong taon at apat na buwan na itong residente ng barangay Rizdelis, sa lungsod ng Cabanatuan.

     Ang hamon ni Kapitan Garcia kay Mayor Jay sagutin nito ang kanyang alegasyon upang malaman ng mga Cabanatueño ang katotohanan.- ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s