Karpentero pinagbabaril sa sementeryo, dedo; Bangkay ng babae, natagpuan sa irigasyon

Dead on the spot ang karpenterong si Rodolfo de Jesus matapos pagbabarilin habang nagwe-welding sa isang puntod sa sementeryo ng bayan ng San Isidro.

Dead on the spot ang karpenterong si Rodolfo de Jesus matapos pagbabarilin habang nagwe-welding sa isang puntod sa sementeryo ng bayan ng San Isidro.

     Palaisipan pa rin sa mga otoridad ang motibo sa likod ng pamamaril sa isang karpentero sa loob ng sementeryo sa barangay Poblacion, bayan ng San Isidro.

     Kinilala ang biktimang si Rodolfo de Jesus y Casino, 56-anyos, may asawa, at residente ng Intramuros St. ng naturang barangay.

     Base sa report ng San Isidro Police Station, bandang 4:00 ng hapon habang nagwe-welding sa puntod ng pamilya Paez ang biktima nang lapitan ng isang lalaki na nakatakip ng panyo ang mukha at bigla na lamang binaril ng maraming beses gamit ang kalibre kwarenta’y .45 baril.

     Kaagad na namatay ang biktima samantala ang suspek ay mabilis na nakatakas.

Itinapon sa irigasyon ang bangkay ng isang hubo’t hubad na babae na nakasilid sa isang garbage bag sa Caalibangbangan, Cabanatuan City.

Itinapon sa irigasyon ang bangkay ng isang hubo’t hubad na babae na nakasilid sa isang garbage bag sa Caalibangbangan, Cabanatuan City.

     Cabanatuan- Natagpuan sa kanal ng irigasyon ang bangkay ng isang babae sa kahabaan ng kalsada ng Felipe Vergara road sa Sitio Embuscado, barangay Caalibangbangan, Cabanatuan City.

     Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 10:00 ng umaga ng matuklasan ang mga labi ng hindi pa nakikilalang biktima.

      Iniimbestigahan sa kasalukuyan ng pinagsanib-pwersa ng Cabanatuan Police Station at SOCO ang pagkakakilanlan sa babae at sanhi ng pagkamatay nito.- ulat ni Clariza de Guzman.