Security guard, na-stroke sa quarters; Bahay, pinasabugan ng granada

Hindi nagising ang security guard ng Bounty Fresh sa Indira Mariano farm sa brgy. Rio Chico, Gen. Tinio

Hindi nagising ang security guard ng Bounty Fresh sa Indira Mariano farm sa brgy. Rio Chico, Gen. Tinio

Natagpuang wala ng buhay ang isang security guard sa loob ng kanyang quarters sa Indira Mariano farm na kasalukuyang nirerentahan ng Bounty Fresh sa barangay Rio Chico, General Tinio.

Kinilala ang guard na si Danny Sinagub y Sabado, 45-anyos, may asawa, at residente ng barangay Bambana, Cuyapo.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, dakong 6:45 ng umaga, nagtungo sa quarters ang kapalitang security guard ng biktima na si Joseph Dacara.

Inakala umano nitong natutulog lang ang biktima kaya ginising nya pa ito ngunit natuklasan nyang patay na ito kaya kaagad niyang ini-report sa farm manager.

Lumabas sa initial findings ng Medico-Legal examination na stroke o heart failure ang ikinamatay ng biktima.

Hinagisan at nasabugan ng Granada ang bahay ni Gng. Liza Gay Nolasco sa brgy. Aduas No. Cabanatuan City.

Hinagisan at nasabugan ng Granada ang bahay ni Gng. Liza Gay Nolasco sa brgy. Aduas No. Cabanatuan City.

Cabanatuan, Pinasabugan kamakailan ng granada ang isang bahay sa barangay Aduas Norte.

Kinilala ang may-ari ng tahanan na si Liza Gay y Nolasco Corpuz, 52-anyos, mayawasa, ng Number 02 Flowerlane Extension ng naturang barangay.

Batay sa imbestigasyon ng SOCO at pulisya, 12:20 ng madaling araw nang ihagis ng hindi nakilalang suspek ang isang hand grenade sa bahay ng biktima na bumagsak sa garahe.

Nasira sa naganap na pagsabog ang water pipe, window jalousie, at gate ng bahay.- ulat ni Clariza de Guzman.