Pagpapatuloy sa tradisyon ng Tumba-Tumba, isinusulong ng Baranggay Cabugao

     Sa Bayan ng Sto Domingo, Barangay Cabugao kakaiba ang paraan ng pag gunita sa mga yumao.  Nakagisnan  na ang pagbibihis ng barangay upang maging anomo’y isang malaking horror street ang buong Barangay Cabugao.

     Kung sa ibang lugar ay kandila sa harap ng bahay ang iyong matatagpuan bilang pag alala sa mga yumao nating mahal sa buhay, matatakot at mamamangha ka naman sa mga kakaibang mga theme ng bawat partisipante ng Tumba-Tumba. May malalaking gagamba, kabaong, aswang, multo at marami pang iba.

     Malaki ang pasasalamat ni Kapitan Pascual lalo pa at todo ang mga paghahanda ng mga kalahok hindi lamang sa Tumba-Tumba Competition kundi pati na rin sa haloween costume contest para sa kids at adult category.

Mas malaking pa premyo naman ang inihanda ng barangay sa mga magwawagi para sa taong ito.

  • Ist price 8,000
  • 2nd place 6 thousand
  • 3rd  place 4 thousand

     Maging ang mga hurado ay natuwa sa kakaibang patimpalak na ito. Binuo ng humigit 14 partisipante ang lumahok sa Tumba-Tumba competition,  18 sa costume competition kids category at  8 naman sa costume competition.

     Nagwagi sa tumba tumba competition sina Jaime Federico, Dr. Alfel Natividad at Harold Macatlang.

     Kids category  Mj Valderama, Rochelle Rocellon at Jerome Agrave At  adult costume competition category na sina John Carlo Rocellon, Allan Esguerra at Rowena Fernandez.

     Sa mga susunod na taon inaasahan na mas gagarbo pa ito lalo pa at parami ng parami ang tumatangkilik sa tradisyon sa Barangay Cabugao- Ulat ni Amber Salazar

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s