Mga Novo Ecijano, nananatiling matatag at bumabangon

Iniwang bakas ni bagyong Lando sa Nueva Ecija ang banlik o natuyong putik na naging alikabok.

Iniwang bakas ni bagyong Lando sa Nueva Ecija ang banlik o natuyong putik na naging alikabok.

Alikabok, natuyong putik o banlik, sirang pananim, at mga kagamitan; wasak na tirahan at mga gusali ang iniwang bakas ng bagyong Lando matapos nitong manalasa sa kalakhang Nueva Ecija.

Pagkatapos ng unos, tuloy pa rin ang buhay para sa mga Novo Ecijano. Sa kabila ng mga dinanas na pagsubok noong kasagsagan ni Lando, nananatiling matatag, lumalaban at umaahon.

Sa paglilibot ng team ng Balitang Unang Sigaw sa ating lalawigan, nadaanan namin ang mga magsasaka at manggagawang bukid na pilit na isinasalba ang mga palay na nasira ng baha.

Naabutan namin ang isang grupo ng mga manggagapas na nagpapayok. Katulong ni Mang Lorenzo ang kanyang pamilya na ginagapas ang dalawang ektaryang palayan na pag-aari ng pamilya Aguilar sa bayan ng Jaen.

Pilit isinasalba ng isang grupo ng mga manggagapas ang mga nasirang palay dulot ng baha.

Pilit isinasalba ng isang grupo ng mga manggagapas ang mga nasirang palay dulot ng baha.

Ayon kay Mang Reynaldo, aabutin ng apat na araw bago nila matapos anihin ang mga palay. Kalahati na lamang umano ang pwedeng pakinabangan sa mga nasirang pananim.

Ngunit kahit labing-isa lamang ang kanilang bilang ay hindi umano sila susuko para kahit papano ay may kitain na dalawang cavan ng bigas kada isang araw.

Samantala, isa ang barangay Pamacpacan sa Jaen na lubhang nasalanta ng nagdaang bagyo. Agaw pansin mula sa kalsada ang eskwelahang nalubog sa baha.

Pero mas nakapukaw ng aming atensyon ang bayanihan ng mga opisyal ng barangay, mga magulang, at mga guro sa paglilinis ng paaralan.

Nawasak man ang mga kagamitan at ilang gusali sa eskwelahan, tuloy pa rin ang pag-aaral ng mahigit tatlong daang estudyante ng Pamacpacan Elementary School dahil sa pag-asa na patuloy silang makatatanggap ng tulong upang tuluyang makabangon at makapag-simulang muli.- ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s