Tau Gamma Phi, Nananatiling Matatag

Ipinagdiwang ng Tau Gamma Phi ang ika-47 taong pagkakatatag ng kanilang kapatiran nitong nakaraang Oct. 4, 2015.

Ipinagdiwang ng Tau Gamma Phi ang ika-47 taong pagkakatatag ng kanilang kapatiran nitong nakaraang Oct. 4, 2015.

Pinatunayan ng mga Triskelions sa pagdiriwang ng ika-47 taong anibersayo ng pagkakatatag ng Tau Gamma Phi na mas kilalang Triskelions’ Grand Fraternity na nanatiling buo at matatag ang kanilang kapatiran.

Ayon kay Provincial Council Governor General Kenjie Mariano, kahit kapos sa pondo ay patuloy na nagkakaisa at nakagagawa ng mga proyekto ang bawat chapter at council ng Tau Gamma sa lalawigan na nagpapakita ng kanilang dedikasyon.

Tinanggap ni Doc Anthony Umali mula kay Prov’l Council Gov. Gen. Kenjie Mariano ang plake ng pagkilala bilang natatanging Triskelion.

Tinanggap ni Doc Anthony Umali mula kay Prov’l Council Gov. Gen. Kenjie Mariano ang plake ng pagkilala bilang natatanging Triskelion.

Binigyang diin ni Former Gov. Gen., Doc Anthony Umali na itinalagang guest speaker ng selebrasyon, sa kanyang mensahe na maipagmamalaki ang nasimulang pagkakaisa at pagtutulungan ng lahing Novo Ecijanong Triskelion kaya dapat itong pangalagaan.

Mananatili aniyang buhay ang kapatiran kung paiiralin ng mga miyembro ang mga natutunang aral at alituntunin sa Tau Gamma sa pamamagitan ng pagsasa-puso at pagsasa-buhay nito.

Katulad ng taun-taon nang nakagawian, nagsagawa ng parada ang  mga Triskelions  sa lungsod ng Cabanatuan City at dumalaw sa puntod ng namayapang miyembro na si Jonathan Bustamante na pinaniniwalang nagbuwis ng buhay para sa kapatiran.

Binigyang pagkilala naman sa ginanap na programa sa Munoz National High School ang mga natatanging Triskelions, mga chapter at council na nag-ambag ng serbisyo sa kapatiran.- ulat ni Clariza de Guzman

 

 

 

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s