Bagyong Kabayan, nanalasa sa Nueva Ecija; Damage sa mga pananim tinatayang umabot sa ₱91M

Daan Sarile, Cabanatuan City

Daan Sarile, Cabanatuan City

Nasalanta ang Nueva Ecija ng bagyong kabayan yan ay ng mabuo at maging isang tropical storm ito ilang oras bago mag landfall sa Aurora. Tumaas ang tubig sa iba’t ibang ilog sa lalawigan ng Nueva Ecija dahil na rin sa pag baba ng tubig na dala ng bagyo galing sa bundok inakala ng iba nating mga kababayan na tubig ito mula sa Pantabangan Dam na mariiing pinabulaanan naman ng PDRRMO.

Cabu Communal Bridge

Cabu Communal Bridge

Sa ngayon ayon sa PDRRMO ay kinakailangan pang mag ipon ng tubig ng pantabangan dam dahil ang comfortable level nito ay nasa 216 meters. sa ngqayon ayon sa sa PDRRMO ay nasa 194 meters lamang ang tubig.

 

Barangay Bacteria, Gabaldon Land Slide

Barangay Bateria, Gabaldon Land Slide

Ayon sa PDRRMO mas mabuti kung makikinig lamang sa awtorisadong mag bigay ng update sa lagay ng Pantabangan Dam ang mga mamamayan lalo pa at kinakailangan ang tubig na ito para sa mga magsasaka. Ayon sa partial data ng PRDDMO Nasa 9 million worth of infrastructure ang nasira ng bagyong Kabayan, 91 million sa Agriculture at  11 million sa livestock. Aagapay naman ang Provincial Government sa pangunguna ni Governor Oyie Umali sa mga nasalanta ng bagyo.-ulat ni Amber Salazar