MGA KOPONANG PASOK SA QUARTER FINALS NG NECSL SEASON 4, ALAMIN

Mula sa sampung koponan ang lumahok sa Elimination Round ng Men’s Basketball ng NECSL Season 4, maswerteng napagtagumpayan ng Wesleyan University Philippines Riders, ELJMC Hawks, Central Luzon State University Green Cobras, Midway Marshalls, Manuel V. Gallego Ambassadors, at College of Immaculate Concepcion Kings ang makapasok sa Quarter Final Round.

Laglag ang Good Samaritan College Crusaders, Nueva Ecija Doctors College Incorporated, General de Jesus College Generals at College of Research and Technology Blue Fox sa nasabing palaro.

Ngunit kahit na hindi napabilang na makapaglaro sa Quarter Final Round, inaasahan pa rin nila na mas palalakasin pa ang kanilang koponan sa susunod na taon.

Samantala, bawat koponanan, pinaghahandaan at pinag-aaralan ang bawat galaw ng mga kalaban.

Inaasam ng Assistant Coach ng Midway Marshalls na si June Cabarrubias na makapaglalaro ang kanilang koponan sa Grand Finals at sinisiguro ng ELJMC Hawks na aabot ang kanilang koponan sa Semi-Finals.

Nakatakdang magharap ang 6 na koponan sa October 7, Miyerkules sa Araullo University Gymnasium ala-una ng hapon.- Ulat ni Shane Tolentino