GINOO NG BAYAN NG CABIAO, TINANGHAL BILANG GINOONG FILIPINAS 2015

Kinilala na ang pinakamakisig at maginoong Novo Ecijano sa ginanap na Ginoong Filipinas Nueva Ecija 2015 sa Cinema 4, SM Mega Center sa lungsod ng Cabanatan.

Nagningning ang kagwapuhan ni Varley Leaño mula sa bayan ng Cabiao nang tanghalin siya bilang Ginoong Filipinas Nueva Ecija 2015.

Labis ang naging tuwa ni Leaño lalo pa nga at inaalay niya ang kaniyang pagkapanalo sa kaniyang pamilya na todo ang suporta sa kaniya.

Ayon sa event organizer na si Mervin Alvaran, nahirapan ng husto ang mga hurado sa pagpili ng pinakabagong lalaban sa National level.

Samantala, sa unang paglabas pa lamang sa entablado ng labinlimang kalahok ay umalingawngaw na ang malalakas na hiyawan at tilian mula sa kani-kanilang mga taga-suporta at taga-hanga.

Lalo pang umugong ang SM Cinema 4 nang rumampa ang mga ginoo suot ang kanilang summer wear.

2

Maliban kay Liaño nanalo naman bilang Ginoong Filipinas 3rd runner up si Joshua Fajardo, 2nd runner up si Julius Eugenio na pawang Cabanatueño, 1st runner up si Sir Fritz Ponce ng Carranglan at ang tinanghal naman bilang Ginoong Filipinas ang Palayeño an si Ezra Uzita.-Ulat ni MARY JOY PEREZ