Love Triangle, Tinitignang Motibo sa Pagpaslang sa Manggagawang Bukid; Mag-asawang Negosyante, Niratrat at Hinoldup ng Tandem; Mister, Patay

Natagpuang nakalubog sa putikan ang bangkay ni Tony Velarde, manggagawang bukid sa Tabuating, San Leonardo.

Natagpuang nakalubog sa putikan ang bangkay ni Tony Velarde, manggagawang bukid sa Tabuating, San Leonardo.

Anggulong love triangle ang sinusundang motibo ng mga otoridad sa pagpaslang sa isang manggagawang bukid sa barangay Tabuating, bayan ng San Leonardo.

Natagpuang wala ng buhay at nakalublob sa putik sa gitna ng palayan ang biktimang si Tony Velarde y Villanovo, 41-anyos, may asawa, residente ng naturang lugar.

Nadiskubre ng SOCO na may malalang sugat sa ulo ang biktima na pinaniniwalaang naging sanhi ng kanyang kamatayan.

San Antonio- Patay ang isang mister matapos ratratin at holdapin ng riding-in-tandem kasama ng kanyang misis sa barangay Poblacion, bayan ng San Antonio.

Kinilala ang mag-asawang negosyante na sina Dominick Toledo Arcilla, 41-anyos, at Nelo Nina Toledo y Dela Cruz, 40-anyos, naninirahan sa barangay Julo, ng nasabing bayan.

Pinagbabaril at hinoldup ng tandem ang mag-asawang Toledo sa kahabaan ng kalye Herrera ng Poblacion, San Antonio.

Pinagbabaril at hinoldup ng tandem ang mag-asawang Toledo sa kahabaan ng kalye Herrera ng Poblacion, San Antonio.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas sais trenta ng umaga, habang binabagtas ng mag-asawa ang kahabaan ng Herrera St. sa Tabuating papauwi ng kanilang tahanan sakay ng isang motorsiklo nang sundan at pagbabarilin ng dalawang suspek na magkaangkas din sa motor.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa natutukoy na baril si Dominick na idineklarang dead on arrival sa pagamutan.

Tinangay ng mga suspek ang dalawang bag ng mag-asawa na naglalaman ng isang net book, apat na cellphone, at cash na nagkakahalaga ng mahigit kumulang Php 40, 000.00.- ulat ni Clariza de Guzman.

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s