MARTYR-NE, Pormal ng Ipinakilala sa Publiko

Nagsama-sama sa presscon ng MARTYR-NE ang mga pamilya at kaanak ng mga naging biktima diumano ng extra-judicial killings.

Nagsama-sama sa presscon ng MARTYR-NE ang mga pamilya at kaanak ng mga naging biktima diumano ng extra-judicial killings.

Bilang hudyat ng pagsisimula ng pagkilos ng Mothers and Relatives against Tyranny and Oppression-Nueva Ecija sa pagsusulong ng karapatang pantao at kalayaang sibil ay pormal na itong ipinakilala sa publiko.

Binubuo ang MARTYR-NE ng pamilya at mga kamag-anak ng mga biktima ng repression o panunupil at human rights violations mula pa noong panahon ng Martial Law hanggang sa kasalukuyan.

Layunin ng bagong tatag na organisasyon na idokumento ang mga biktima ng karahasan, at mga paglabag sa karapatang pantao.

Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa ring naghahanap ng katarungan at hustisya ang mga naging biktima diumano ng pandarahas ng mga militar sa ilalim ng Oplan Bantay Laya 1 at 2 sa pamumuno noon ng tinaguriang “Berdugo” na si Retired General Jovito Palparan.

Para sa MARTYR-NE mahalaga na mailantad ang mga tunay na pangyayari sa likod ng panunupil ng mga nasa kapangyarihan upang matukoy at papanagutin ang mga maysala, maitigil ang karahasan sa mga karaniwang mamamayan, mapalaya ang mga political prisoners at itigil ang extra-judicial killings.-ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s