China hindi pa rin tumitigil sa pag gawa ng isla sa West Philippine Sea.

Wala umanong katotohanan ang ipinahayag ng Bansang China sa Associations of South East Asian Nations (ASEAN) na pull out na nito ang hukbong sandatahan sa West Philippine Sea.

Sa katunayan umano ay mukhang gusto pang bumuo ng pangatlong airstrip ng Bansang China sa West Philippine Sea na nasa 1.4 mile ang laki ng hinihinalang bagong airstip sa West Philippine Sea na sakop na ng Bansang China ang Mischief Reef, Subi Reef at Fiery Cross Reef bago pa man ang pag gawa ng panibagong isla na ito.

Isang uri ng panlilinlang na hindi lingid sa kaalaman ng pamahalaan ng pilipinas.  Tinitignan ng pilipinas bilang pag yurak ito sa yamang dagat ng ating bansa. maliit man ang hukbong sandatahan ng  pilipinas, hindi ibig sabihin nito na hindi gagawa ng hakbang ang bansa sa  patuloy na pag gawa ng China sa West Philippine sea ayon kay Head Vice Admiral Alexander Lopez

Ang pagpapatuloy ng bansang China sa pag buo ng mga isla sa West Philippine Sea ay naging dahilan upang mabuhay muli ang issue ng pagpapa alis sa China sa mga nasabing isla. Sa ngayon ay hinihintay ng bansa ang magiging jurisdiction ng International Tribunal of the Law of the Sea (ITLOS) upang legal na itong makagawa ng hakbang sa pagpapaalis ng China sa mga Islang hindi naman dapat ginagalaw ng China dahil na rin sa pinag aagawan pa ito ng iba’t ibang bansa. – Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio