45-anyos na Lalaki Pinagbabaril, Patay; Apartment ng Australyano, Nilooban

Hindi na umabot na buhay sa ospital si Jonathan Rebultan matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sakay ng isang motorsiklo.

Hindi na umabot na buhay sa ospital si Jonathan Rebultan matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sakay ng isang motorsiklo.

Patay ang isang kwarenta’y singko anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa barangay Cabaruan, bayan ng Guimba.

Kinilala ang biktimang si Jonathan Rebultan y Melegrito, may asawa, walang trabaho, at residente ng naturang lugar.

Base sa imbestigasyon ng Guimba Police Station, bandang 8:10 ng gabi, habang bumibyahe ang biktima sa kahabaan ng kalsada ng barangay Cabaruan patungong timog sakay ng minamanehong motorsiklo ng buntutan ng hindi nakilalang suspek lulan rin ng isang motor at bigla na lamang pinaputukan ang biktima.

Nagtamo ng apat na tama ng bala ng baril ang biktimang kaagad na isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Nakuha mula sa bulsa ng biktima ang dalawang bala ng caliber thirty-eight.

Pinasok ng mga magnanakaw ang apartment na kasalukuyang inuokopahan ng isang Australyano sa Cabanatuan City.

Pinasok ng mga magnanakaw ang apartment na kasalukuyang inuokopahan ng isang Australyano sa Cabanatuan City.

Cabanatuan- Nilooban ng mga hindi nakilalang suspek ang apartment na kasalukuyang tinitirahan ng isang Australyano sa barangay Zulueta, Cabanatuan City.

Kinilala ang Australian National na si Nathan Cane Dwyer, trenta’y syete anyos, binata, pansamantalang nanunuluyan sa Door Number 3 Salgado Apartment.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas kwatro ng madaling araw ng pasukin ng mga magnanakaw ang apartment ng biktima sa pamamagitan ng pagwasak sa aluminum screen ng bintana.

Tinangay ng mga suspek ang HP at Fujitsu laptop computers, dalawang hard drives, Fuji Camera, Union Bank ATM card, BPI passbook, at passport ng biktima.- ulat ni Clariza de Guzman

 

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s