Mag-lolo, Sugatan sa Pamamaril; Number 5 Drug Personality, Itinumba

Pinagbabaril ang mag-lolong sina Javier Ubaldo, 65-anyos at Allejo Ross Ubaldo, isang taong gulang habang nakasakay sa tricycle.

Pinagbabaril ang mag-lolong sina Javier Ubaldo, 65-anyos at Allejo Ross Ubaldo, isang taong gulang habang nakasakay sa tricycle.

Sugatan ang 65-anyos na lolo at kanyang isang taong gulang na apo matapos pagbabarilin  sa Barangay Rajal Centro, bayan ng Sta. Rosa.

Kinilala ang mag-lolo na sina Javier Ubaldo y Reyes, isang magsasaka, at Allejo Ross Ubaldo.

Habang ang hindi nakilalang suspek ay inilarawan na matangkad, maputi, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng putting t-shirt, maong pants, at naka-helmet ng itim.

Base sa pinag-sanib na imbestigasyon ng SOCO at Sta. Rosa Police, bandang 12:45 ng hapon, nakasakay ang mag-lolo sa tricycle na minamaneho ni Emy Ubaldo, anak ng biktimang si Javier, at tinatahak ang Santa-Rosa Tarlac Road nang sundan ng suspek lulan ng isang Suzuki Smash 115 motorcycle na kulay black.

Pagdikit umano ng suspek sa tricycle ay bigla na lamang itong bumunot ng baril at niratrat ang mga biktima.

Tinamaan sa kanang balikat si Javier at sa kanyang paa naman si Allejo.

Mabilis na tumakas ang suspek samantala isinugod naman sa ospital ang mag-lolo.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang anim na basyo ng kaha ng caliber .45 na baril, apat na metal fragments, dalawang basyo ng bala, at isang live ammunition ng kwarenta’y singko.

Itinumba ng tatlong armadong kalalakihan si Ferdinand Corpuz sa kanyang sariling tahanan sa barangay Cavite, bayan ng Guimba.

Itinumba ng tatlong armadong kalalakihan si Ferdinand Corpuz sa kanyang sariling tahanan sa barangay Cavite, bayan ng Guimba.

Guimba- Patay ang number 5 drug personality na nakatala sa Priority Target List ng Anti-illegal Drugs ng  Guimba Police Station makaraang pagbabarilin ng tatlong armadong kalalakihan.

Kinilala ang itinumbang drug personality na si Ferdinand Corpuz y Liwag, 52-anyos, may-asawa, walang trabaho, residente ng barangay Cavite ng naturang bayan.

Ayon sa ulat ng pulisya, 7:00 ng gabi, nasa loob ng kanyang bahay si Corpuz nang dumating ang tatlong lalaking sakay ng dalawang motorsiklo.

Ipinarada umano ng mga ito ang kanilang mga motor sa tapat ng tahanan ng biktima.

Isa sa tatlo ang kumatok ng sunud-sunod sa gate kaya lumabas ng bahay si Corpuz at pinagbabaril ng mga suspek.- Ulat ni Clariza de Guzman.

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s