Tourist Spot at mga produktong gawa sa pinatuyong Water Lily, ipinagmalaki ng Bayan ng Cuyapo

Sa unang pagkakataon ay nag-host ang Bayan ng Cuyapo sa quarterly meeting ng ATONE o Association of Tourism Officers of Nueva Ecija, upang bigyang pagkakataon na maipromote ang kanilang tourist spot at mga maipagmamalaking produkto.

Ayon sa kanilang pangulo na si San Jose City Tourism Officer Darmo Escuadro, plano ng asosasyon na libutin ang lahat ng bayan sa buong Lalawigan upang makita ang mga potensyal ng mga bayan at upang matulungan ang mga ito na maipakilala ang kanilang mga lugar bilang tourist destination sa Lalawigan.

Isinagawa sa kauna-unahang pagkakataon sa Bayan ng Cuyapo ang Quarterly meeting ng asosasyon ng mga Tourism Officers ng Nueva Ecija para sa pagpapaigting ng promosyon sa mga tourist spot ng bawat bayan sa Lalawigan.

Isa sa ipinagmamalaki ng nasabing bayan ang Mount Bulaylay na plano umanong patayuan ng Zip Line na maaari pang makadagdag ng atraksyon sa mga turista.

Kabilang pa sa kanilang ipinagmamalaki ay ang kanilang mga produktong tsinelas, bag, sombrero, lagayan ng mga prutas at marami pa, na gawa sa mga pinatuyong water lily na makukuha lamang sa mga lawa sa kanilang lugar.

Kabilang sa ipinagmamalaki ng Bayan ng Cuyapo ang kanilang mga handicrafts na gawa sa mga pinatuyong Water Lily na kanilang nakukuha sa kanilang mga lawa o ilog.

Kabilang sa ipinagmamalaki ng Bayan ng Cuyapo ang kanilang mga handicrafts na gawa sa mga pinatuyong Water Lily na kanilang nakukuha sa kanilang mga lawa o ilog.

Samantala, mas pinaigting pa ng asosasyon sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagsasagawa ng kanilang pagpupulong upang magabayan ang bawat tourism officer na nangunguna sa pagpapaunlad ng turismo hindi lamang sa kani-kaniyang bayan kundi maging sa buong Lalawigan ng Nueva Ecija.