PTK Program ni Senator Alan Cayetano, nagbigay ng panibagong pag-asa para sa mga maliliit na negosyanteng nasunugan sa Bayan ng Guimba

Halos apat na buwan na ang nakalilipas nang masunog ang 32 porsyento ng mga tindahan sa pamilihang bayan ng Guimba, kung saan mabilis na nagpaabot ng tulong pinansyal ang Pamahalaang Panlalawigan at Pamahalaang Bayan ng naturang lugar sa mga biktima, ay isang biyaya nanaman ang dumating upang tuluyang makabangon ang mga ito mula sa insidente, handog ni Senator Allan Peter Cayetano.

Pinagkalooban ni Senator Cayetano ng isang daang libong piso sa ilalim ng kanyang programang PTK o Presyo, Trabaho, Kita, ang Guimba Market Vendor’s Association bilang pagsisimula ng kanilang pondo para sa patuloy na pag-angat ng kanilang mga kabuhayan.

Nagbigay ng panibagong pag-asa sa mga maliliit na negosyanteng nasunugan sa Bayan ng Guimba ang paghahandog ni Senate Majority Leader Allan Peter Cayetano ng isang daang libong pisong puhunan para sa kanila sa ilalim ng kanyang programang Presyo, Trabaho, Kita.

Nagbigay ng panibagong pag-asa sa mga maliliit na negosyanteng nasunugan sa Bayan ng Guimba ang paghahandog ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano ng isang daang libong pisong puhunan para sa kanila sa ilalim ng kanyang programang Presyo, Trabaho, Kita.

Sa kabila ng pagsubok na pinagdaraanan ng mga maliliit na negosyante sa nasabing bayan, ay naniniwala umano si Senator Cayetano na may plano ang Diyos para sa lahat, nasa tao na aniya ang desisyon kung ang mga planong ito ang kanilang susundin.

Ayon kay Kapitan Diosdado Dela Cruz, presidente ng asosasyon, matapos ang insidente ng sunog sa kanilang palengke, isang porsyento ng mga biktima ang pansamantalang tumigil muna sa kanilang pagnenegosyo, na maaari umanong matulungan ng PTK program ng Senador upang sila’y makapagpatuloy muli sa paghahanap buhay.

Malugod na tinanggap ng Talavera Market Vendor’s Association ang isang daang puhunan na ipinagkaloob ni Senator Allan Peter Cayetano, na makatutulong upang mai-angat ang antas ng kabuhayan ng mga maliliit na negosyante.

Malugod na tinanggap ng Talavera Market Vendor’s Association ang isang daang puhunan na ipinagkaloob ni Senator Alan Peter Cayetano, na makatutulong upang mai-angat ang antas ng kabuhayan ng mga maliliit na negosyante.

Kaugnay nito, matapos magtungo ang senador sa Bayan ng Guimba ay dumiretso ito sa Bayan ng Talavera upang magbigay din ng isang daang libong piso sa Talavera Market Vendor’s Association bilang puhunan upang mas mapalago ang kanilang mga kita sa halip na mabaon sa pagkaka-utang.

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s