KARTADA NG MGA KALAHOK SA NUEVA ECIJA COLLEGIATE SPORTS LEAGUE SEASON 4, SISILIPIN

WU-P Riders, pinadapa ang GSC Crusaders, 120-57

WU-P Riders, pinadapa ang GSC Crusaders, 120-57

Sa pagbubukas ng NECSL Season 4 Men’s Basketball (September 9, 2015), pinatikim na ng Wesleyan University- Philippines Riders ang Good Samaritan College Crusaders ng pagkatalo.

Pinadapa ng Riders, defending champion ang Crusaders sa score na 120-57, na halos kalahati sa score nito ang naging lamang.

Karamihan ng mga puntos ay mula sa dating MVP na si Tadeo na gumawa ng 30 puntos, sinundan ni Cacho 19 puntos at Ingusan na may 15 puntos.

Midway Marshalls, tinalo ang MVGFC Ambassadors, 88-72

Midway Marshalls, tinalo ang MVGFC Ambassadors, 88-72

Sa pagitan ng Midway Marshalls at Manuel V. Gallego Ambassadors, dikitan ang naging laban nito simula 1st quarter hanggang 3rd quarter.

Buong puso ang ipinakita ng Marshalls hanggang sa tuluyan ng lumayo kalamangan  88-72.

Pinangunahan ni Julian ang kanyang koponan na umani ng 14 na puntos, Salvador na may 11 points, Fordan 11 points at Apar 10 points.

CLSU Green Cobras, hindi pinaubra ang ELJ Hawks, 85-61

CLSU Green Cobras, hindi pinaubra ang ELJ Hawks, 85-61

Hindi naman pinaubra ng Central Luzon State University Green Cobras ang Eduardo L. Joson Memorial College Hawks na maabantehan ang kanilang koponan.

Umabot sa 24 ang lamang ng Green Cobras sa Hawks na nagtapos sa score na 85-61.

Nagtulung-tulong ang manlalaro ng Hawks na sina Soriano 20 points, Lipana 17 points at Mallari 11 points.

GSC Crusaders, bumawi sa NEDCI Water Buffalos, 81-67

GSC Crusaders, bumawi sa NEDCI Water Buffalos, 81-67

Sa Day 2 ng NECSL Season 4 Men’s Basketball, bumawi ang GSC Crusaders at MVGFC Ambassadors sa kanilang mga katunggali.

Tinalo ng Crusaders ang Nueva Ecija Doctors College Incorported Water Buffalos sa score na 81-67.

Nagkaisa ang mga manlalaro ng Crusaders na sina Yuson 23 points at Dela Cruz 18 points upang payukuin ang Water Buffalos.

MVGFC Ambassadors, wagi sa CRT Bluefox, 80-65

MVGFC Ambassadors, wagi sa CRT Bluefox, 80-65

15 puntos naman ang naging lamang ng MVGFC Ambassadors sa CRT Bluefox, 80-65.

Ito ang unang panalo ng Ambassadors matapos matalo ng Marshalls noong September 9.

Nagpamalas ng impresibong laro sina Garcia at Bartido matapos magtala ng 19 at 17 puntos ayon sa pagkakasunod-sunod.

WU-P Riders vs CLSU Green Cobras, ipagpapatuloy ang laban pagkatapos ng Elimination Round

WU-P Riders vs CLSU Green Cobras, ipagpapatuloy ang laban pagkatapos ng Elimination Round

Hindi naman natuloy ang makapigil hiningang laban ng WU-P Riders at CLSU Green Cobras noong September 10.

Sa nalalabing 9 na segundo ng 1st quarter, 13-11 ang score pabor para sa Green Cobras ang laban ay biglang nawalan ng kuryente.

Itutuloy sa pagtatapos ng Elimination Round ang naudlot na laban ng dalawa sa pinakamalakas na team ngayong taon.

Samantala, maganda ang ipinakitang galing ng mga nagwagi sa unang araw ng paghaharap.

Panalo ang WU-P Riders sa La Fortuna Spartans, CRT Bluefox sa GSC Crusaders at CIC Kings sa MVGFC Ambassadors.

Pinangatawanan ng mga nagwaging koponan ang kanilang bagsik sa paglalaro ng volleyball. Kaya naman, umabot lamang sa dalawang set ang naging laban.- Ulat ni Shane Tolentino

NECSL Season 4

Kartada ng Men’s Basketball as Of September 10, 2015

NECSL Season 4

Kartada ng Women’s Volleyball as of Septmeber 10, 2015