18 kalahok ng Ginoong Filipinas 2015, nagpakitang gilas sa pagpapamalas ng kanilang talento

Nagpakitang gilas sa pagpapamalas ng kanilang talento ang labing walong kalahok ng Ginoong Filipinas 2015, sa Robinsons Mall, Cabanatuan City.

Kanya-kanya ng gimik ang bawat kalahok para makuha ang atensiyon ng mga manunuod.

Ang mga kababihan ay todo kilig sa ginawang pagharana sa kanila ng mga ginoo. Habang ang iba ay sumayaw, nag martial arts, monologue at may mga nagpakita ng pagmamahal sa mayamang kultura ng ating bansa.

Kabilang sa top 5 ng Best in talent sina Candidate no. 14 Ezra Uzita,

Candidate no. 4 Erwin Cuevas,

Candidate no. 18 James Bryan Pangilinan

Candidate no. 8 Varlie Leaño

Candidate no. 7 Mon Ar-jay Delos Santos.

Sa huli, ay pinili ang limang Ginoo na umangat sa pagpapakita ng talento. Kung saan, napabilang sina Candidate no. 14 Ezra Uzita, Candidate no. 4 Erwin Cuevas, Candidate no. 18 James Bryan Pangilinan, Candidate no. 8 Varlie Leaño at Candidate no. 7 Mon Ar-jay Delos Santos.

Mula sa apat na pung aplikante na sumubok na mapabilang sa Ginoong Filipinas Nueva Ecija 2015 ay labing walo na lang ang maswerteng nakapasok sa kompetisyon.

Ayon kay Marvin Alvaran, Organizer ng Ginoong Filipinas Nueva Ecija 2015, na habang tumatagal ang kompetisyon ay mas lalong nagiging kapana-panabik, kung sino-sino nga ba ang mga susunod na makakapaguwi ng titulo.

Idaraos ang Grand Finals sa September 25, na gaganapin sa Nueva Ecija High School.-Ulat ni Danira Gabriel

 

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s