19 na Bagong Opisyal ng K of C Labrador Council 4277, Pormal ng Itinalaga

Si Atty. Lauro Patiag kasama ang iba pang mga bagong luklok na opisyal ng K of C Labrador Council 4277.

Si Atty. Lauro Patiag kasama ang iba pang mga bagong luklok na opisyal ng K of C Labrador Council 4277.

Bilang pagtugon sa tawag ng pangangaral ng Ebanghelyo sa mga kristyanong katoliko ay itinalaga ng Knights of Columbus sa gianap na 60th Installation of Officers ang labing-siyam na mga bagong opisyal ng Labrador Council 4277 ng bayan ng San Isidro para sa Columbian Year 2015-2016.

Iniluklok bilang Grand Knight si Atty. Lauro Patiag na Manager ng legal Department ng Philippine Charity Sweepstakes Office at kabiyak ni 4th District Board Member Tess Patiag.

Ayon kay Atty. Patiag, sinundan niya ang yapak ng kanyang ama at mga anak na sina John Carlo at Mark Lawrence na mga miyembro ng K of C.

 

Unang proyekto umano na kanyang pagtutuunan ng pansin ang pagpapatayo ng bagong gusali na magsisilbing opisina ng kanilang konseho.

Kasama nina Gov. Umali at PCSO V. Chairman at Gen. Manager Atty. Ferdinand Rojas II ang iba pang mga panauhin sa 60th Installation of Officers ng K of C.

Kasama nina Gov. Umali at PCSO V. Chairman at Gen. Manager Atty. Ferdinand Rojas II ang iba pang mga panauhin sa 60th Installation of Officers ng K of C.

Sabay-sabay na nanunumpa sa kanilang mga bagong tungkulin sina Atty. Patiag, Deputy Grand Knight Fidel Cruz, Chancellor Nolasco Angelo, Financial Alexander Fermin, at iba pang opisyal.

Panauhing Tagapagsalita ng nasabing installation ang Vice Chairman at General Manager ng PCSO na si Atty. Jose Ferdinand Rojas II.

Ilan pa sa mga personalidad na nakiisa at nagbigay ng kanilang mensahe sa mga bagong itinalagang opisyal sina Governor Aurelio Umali, Vice Governor Jose Gay Padiernos, at National Leauge of Barangays President Atty. Edmund Abesamis.- ulat ni Clariza de Guzman