EXHIBIT NG MGA OBRA NI “BOTONG FRANCISCO” SA PHILRICE, IBINUKAS NA SA MGA NOVO ECIJANO

Pormal nang ibinukas sa publiko ang mga obra ng National Artist na si Carlos Villaluz Francisco o mas kilala sa tawag na “Botong Francisco” sa Philrice Museum sa lungsod ng Muñoz na may temang “Botong Francisco a Nation Imagined.

Aabot sa dalawampu’t limang reproduction art works o mga kopya ng obra ni Botong Francisco ang makikita sa naturang Museo .

Nagsanib pwersa ang Ayala Museum, Rice Science Museum at Philrice upang maisakatuparan ang pagpapakita ng mga master piece ni Botong at makapagbigay ito ng inspirasyon partikular sa mga batang pintor sa buong bansa.

Ayon kay Ayala Representative April de Guzman, isa rin sa mga layunin ng nasabing exhibit ang ipaalala sa mga Novo Ecijano partikular sa mga estudyante ang mga sinaunang tradisyon at kaugalian ng mga Pilipino.

Isa sa mga namangha sa mga obra ni Botong Francisco si Nueva Ecija Tourism Officer Tina Wycoco-Paulino Rodriguez aniya, isinasalarawan ng mga obra ni Botong ang walang hanggang pagpapakita ng kasaysayan ng pamumuhay ng ating mga ninuno.

Ayon kay Rodriguez, bagaman hindi na gaanong nakikita sa kasalukuyang pamumuhay ng mga Pilipino ang mga sinaunang tradisyon ay mananatili pa rin itong buhay sa pamamagitan ng mga likha ni Botong Francisco.

Si Carlos “Botong” Francisco ay tubong Angono Rizal, siya ang pangalawang pintor na nakatanggap ng “National Artist Award” noong taong 1973 kasunod ni Fernando C. Amorsolo.

Isa sa mga obra ni Botong ang kaniyang higanteng mural para sa First International Fair na ginanap sa Maynila at may paksang “500 taon sa kasaysayan ng Pilipinas” na umani ng mga parangal sa iba’t ibang mga bansa.

Samantala, tatagal ang mga panitings ni Botong Francisco sa Philrice Museum hangagang Setyembre 30.-Ulat ni MARY JOY PEREZ