TEAM SAN ISIDRO, IBINULSA ANG KAMPEONATO SA SCORE NA 84-73 KONTRA SA TEAM GAPAN

WU-P GYMNASIUM, PINUNO NG MGA TAGA-SUPORTA NG TEAM GAPAN AT TEAM SAN ISIDRO

WU-P GYMNASIUM, PINUNO NG MGA TAGA-SUPORTA NG TEAM GAPAN AT TEAM SAN ISIDRO

Pinuno ng mga taga suporta ng Team San Isidro at Team Gapan ang Gymnasium ng Wesleyan University kahapon.

Mula sa ikalawang pwesto (San Isidro) at ika-apat na pwesto (Gapan City), sila ang tumungo sa Grand Finals ng 1st Governor’s Cup Intertown Basketball Tournament.

Sa umpisa pa lang ng paghaharap ng dalawang koponan, hiyawan na ang bumungad sa 1st quarter lalo pa nang magkasunud-sunod ang palitan ng pagtapal ng bawat koponan.

Naging maalat man sa una ang bola para sa Team San Isidro, agad naman itong bumawi sa kalaban sa pamamagitan ng sunud-sunod na basket dahilan ng pag-abante ng kalamangan sa pagtatapos ng 1st quarter sa iskor na 22-16.

Sa pagpasok ng 2nd quarter, unti-unting lumapit ang score ng Gapan sa San Isidro dahil sa pagpapakawala ng 3 point shot ng mga manlalaro ng Team Gapan.

Hanggang sa sumapit ang natitirang 4 minutes, tumabla ang score sa 33.

Hindi pinayagan ng San Isidro na tuluyang lumamang ang Gapan kaya naman sa pagtatapos ng 2nd quarter, lamang pa rin ng 6 ang San Isidro 43-36.

Sa 3rd quarter, mas lalong nag-init ang Gapan. Matinding opensa ang ipinamalas ng Gapan kaya lumapit sa 56-55 ang score, lamang pa rin ng isa ang San Isidro sa pagtatapos ng 3rd quarter.

TEAM SAN ISIDRO, MAS TUMIBAY ANG DEPENS AT OPENSA LABAN SA TEAM GAPAN

TEAM SAN ISIDRO, MAS TUMIBAY ANG DEPENS AT OPENSA LABAN SA TEAM GAPAN

Sa pagpasok ng 4th quarter, lumamang ng tatlong puntos ang Gapan, 59-56. Subalit, sa oras na 8:24 seconds nagtabla ang laban, sa score na 59.

Muling lumamang ang San Isidro sa pagtutulungan nina Gonzales at Jejillos kung saan lumobo sa 7 puntos ang lamang.

Sa last 2 minutes, hindi na nakahabol ang Gapan sa kalamangan ng San Isidro hanggang sa magtapos sa score na 84-73.

EDGIE DE GUZMAN JEJILLOS, JERSEY NUMBER 10, ITINANGHAL NA MVP NG 1ST GOVERNOR’S CUP INTERTOWN BASKETBALL TOURNAMENT

EDGIE DE GUZMAN JEJILLOS, JERSEY NUMBER 10, ITINANGHAL NA MVP NG 1ST GOVERNOR’S CUP INTERTOWN BASKETBALL TOURNAMENT

Itinanghal na MVP si Edgie Jjillos ng San Isidro dahil sa  ipinakitang gilas sa paglalaro,pamumuno sa isang team at pagiging sports sa laban.

MAYOR CESARIO “DONG” LOPEZ JR (SAN ISIDRO) AT MAYORA MARICEL NATIVIDAD, BUONG SUPORTA ANG IBINIGAY SA KANILANG KOPONAN

MAYOR CESARIO “DONG” LOPEZ JR (SAN ISIDRO) AT MAYORA MARICEL NATIVIDAD, BUONG SUPORTA ANG IBINIGAY SA KANILANG KOPONAN

Buong suporta rin ang ibinigay ng punong lungsod ng Gapan Mayora Maricel Natividad at punong bayan ng San Isidro, Mayor Dong Lopez Jr kasama ang mga konsehal ng bayan.

Nagpasalamat naman si Mayor Lopez sa mga manlalaro maging sa mga sumuporta lalong lalo na kay Governor Oyie Umali.

Bukod sa pagiging kampeon ng San Isidro, wagi rin ang Team Gapan na nasa ikalawang pwesto, Team San Leonardo na nasa ikatlong pwesto at Team Bongabon na nasa ika-apat na pwesto na pinarangalan kasama ang mga kinoronahan sa Bb. Nueva Ecija 2015 noong Martes.- Ulat ni Shane Tolentino