Mar Roxas, Pinagkaguluhan ng mga Kabataan at Kababaihang Novo Ecijano

Liberal Party standard-bearer Mar Roxas poses with the Novo Ecijano youth for a souvenir shot.

Liberal Party standard-bearer Mar Roxas poses with the Novo Ecijano youth for a souvenir shot.

Sumisigaw ng “Roxas na, Oras na!” ang libu-libong Novo Ecijano na sumalubong sa pagbisita ni DILG Secretary Mar Roxas dito sa ating lalawigan noong August 28, 2015 na ang ibig sabihin ay panahon na ni Roxas para maging susunod na pinuno ng ating bansa.

Matatandaan na noong taong 2010, isinantabi Mar ang pagtakbo bilang presidente upang bigyang-daan ang kandidatura noon ni Pangulong Noynoy Aquino.

Isang buwan na ang nakalilipas nang pormal na nagbitiw sa kanyang posisyon si Roxas bilang kalihim ng DILG kasunod ng pagdedeklara ni PNOY sa kanya bilang standard bearer ng Liberal Party sa 2016 National Elections.

Matiyagang naghintay ang mga guro at mga estudyante ng Nueva Ecija Ecija National High School sa paglapag ng helicopter na sinakyan ni Mar upang masilayan ito at magkaroon ng pagkakataong makapagpa-picture.

Ayon sa mga gurong aming nakapanayam, susuportahan nila si Roxas sa pagkandidato nito bilang Pangulo para ipagpatuloy ang matuwid na daan na sinimulan ni Pangulong Aquino.

Malugod na tinanggap nina Governor Aurelio Umali, 3rd District Congresswoman Cherry Umali, ABC President Edmund Abesamis, Mayor Ferdinand Abesamis, at Doc Anthony Umali ang pambato ng kanilang kinabibilangang partido pagdating nito sa Nueva Ecija.

Pagkatapos paunlakan ang kanyang mga supporters ay dumiretso tumulak si Mar sa istasyon ng Big Sound para sa kanyang radio interview at dumiretso dito sa TV48 lulan ng minamanehong van sakay sina Governor Umali, Congresswoman Cherry, at Bokal Abesamis.-ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s