Ikatlong Drug Summit, Inilunsad ng Pamahalaang Lokal ng Palayan City

Palayan City Mayor Adrianne Cuevas with the government agencies vow to wage war against illegal drug.

Palayan City Mayor Adrianne Cuevas with the government agencies vow to wage war against illegal drug.

“No to illegal drugs, Yes to life! Novo Ecijanos, Now na!” yan ang kampanya ng local government ng Palayan City patungkol sa sinumpaang laban kontra droga.

Ayon kay Mayor Rianne Cuevas, taun-taon simula ng manungkulan siya ay naglulunsad ng drug summit ang pamahalaang lokal ng  Palayan upang gisingin ang kamalayan ng mga kabataan sa masamang epekto ng illegal na droga sa buhay ng taong gumagamit at lulong dito.

Katuwang ng LGU Palayan, ang Philippine National Police sa pamumuno ni OIC Provincial Director Manuel Cornel, Philippine Army, Philippine Drug Enforcement Agency, Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, Department of Education, at religious  sector.

The students who joined the foster-making contest flaunt their master pieces.

The students who joined the foster-making contest flaunt their master pieces.

Tumaas umano sa walong barangay ngayong taon ang apektado ng droga sa nasabing lungsod mula sa tatlong barangay noong 2013 kaya mas palalakasin pa ang kampanya laban dito.

Nagpamalas ng husay at  galing sa pag-arte, pag-awit, pagsayaw, pagguhit, at pagsulat  ang mga estudyanteng lumahok sa mga paligsahan kabilang ang foster making, at slogan making.

Bilang pagsasara ng programa ay lumagda sa kasunduan ng pakikiisa sa paglaban sa droga ang mga dumalo sa pagtitipon. –ulat ni Clariza de Guzman