Maling pananaw ng mga Pilipino sa TESDA Graduates, nais baguhin ng ahensya

Sinabi ni TESDA Director General Joel Villanueva na patuloy nilang binabasag ang maling pananaw ng mga Pilipino na tanging diploma sa kolehiyo lamang ang susi upang maging matagumpay sa buhay.

Masayang ibinahagi ni Sec. Villanueva na nakapagtala sila ng pinakamataas na bilang ng public-private partnership sa buong kasaysayan ng ahensya dahilan upang lalo umanong tumaas ang employment rate ng mga skilled workers ng bansa.

Techincal Vocation Graduates sa isinagawang Mass Graduation ng TESDA

Techincal Vocation Graduates sa isinagawang Mass Graduation ng TESDA

Sa isinagawang Mass Graduation at Awarding ng Scholarship Vouchers ng ahensya kamakailan, umabot sa 3743 ang bilang ng mga estudyante na nagsipagtapos mula sa iba’t ibang vocational courses ng TESDA.

Secretary Joel Villanueva kasama si Governor Aurelio Matias Umali, sa isinagawang Awarding of Scholarship Vouchers ng TESDA.

Secretary Joel Villanueva kasama si Governor Aurelio Matias Umali, sa isinagawang Awarding of Scholarship Vouchers ng TESDA.

Dito ay inihayag ni Sec. Villanueva ang kanyang paghanga at paniniwala sa kakayanan ng mga Novo Ecijano bilang magagaling na Pilipino.

Dahil sa pagiging ISO certified ng TESDA, kumpiyansa si Sec. Villanueva na lalo umanong mamamayagpag ang mga skilled workers sa bansa sa pagpasok ng 2016 Asean Integration.

Samantala, siniguro naman ni Sec. Villanueva na madadagdagan ang pondo ng Nueva Ecija TESDA ngayong taon, na aabot aniya sa isang daang milyong piso para sa training trabaho program ng ahensya.- Ulat ni Shane Tolentino

TESDA-SPECIALISTA1 (1)