Mag-tiyuhin, Hinoldup ng Tandem; Tricycle Driver, Tumba sa Kwarenta’y Singko Habang Namamasada

William tried to help his niece from the snatcher but was shot once on the chest.

William tried to help his niece from the snatcher but was shot once on the chest.

Nabiktima ng mga holdaper lulan ng isang motorsiklo ang mag-tiyuhin matapos mamili sa palengke ng bayan ng Zaragoza.

Kinilala ang mga biktimang sina William Castillo y Lising, residente ng barangay Batitang, at kanyang pamangkin na si Jennifer Serevo y Regalado, 19-anyos, saleslady, at residente ng barangay Manaol, Zaragoza.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya at SOCO, banadang 7:30 ng gabi, sumakay ng tricycle ang mag-tiyuhin pagkagaling sa isang tindahan sa palengke nang huminto sa tapat nila ang mga suspek na magka-angkas sa isang Bonux motorcycle na walang plaka.

Bumaba ang nakaangkas sa motor at bigla na lamang hinablot ang shoulder bag ni Jennifer.

Nanlaban umano si Jennifer at tinangkang tulungan ni William kaya binaril ito sa dibdib ng suspek gamit ang .45 baril.

Natangay ng mga suspek ang Php 9,000.00 na cash, dalawampong piraso ng cell phones, at mahahalagang dokumento.

29-year old Alfredo Constantino was shot to death using caliber .45 pistol by unidentified suspects on bord in sedan car and motorcycle.

29-year old Alfredo Constantino was shot to death using caliber .45 pistol by unidentified suspects on bord in sedan car and motorcycle.

Aliaga- Patay ang isang tricycle driver makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek gamit ang isang kalibre .45 baril sa barangay Sto. Tomas, bayan ng Aliaga.

Kinilala ang biktimang si Alfredo Constantino y Liwag, 29-anyos, residente ng Purok Pag-asa ng nasabing lugar.

Base sa ulat ng pulisya, dakong 11:30 ng umaga, habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Cabanatuan-Carmen road sakay ng minamanehong tricycle papuntang barangay proper ng Sto. Tomax ng bigla na lamang ratratin hanggang sa mamatay ng mga suspek lulan ng isang kotse at motorsiklo.

Mabilis na tumalilis ang mga suspek matapos maisagawa ang krimen patungong Cabanatuan City.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng kwarenta’y singkong baril, isang piraso ng metal fragment, isang improvised pistol silencer, at isang bull cap.- ulat ni Clariza de Guzman.