Binata Tinarget sa Ulo, Patay; Lalaki, Natagpuang Naliligo sa Sariling Dugo

Scene of the Crime Operatives from Nueva Ecija Prov’l Laboratory Office were requested to process the crime scene.

Scene of the Crime Operatives from Nueva Ecija Prov’l Laboratory Office were requested to process the crime scene.

Patay ang isang binata matapos targetin sa ulo ng hindi nakilalang gunman sa barangay Malinao, bayan ng Gabaldon. Kinilala ang biktimang si Marcelo Casamis y Sagsagat, bente nueve anyos, residente ng naturang lugar. Base sa imbestigasyon ng Gabaldon Police Station, bandang alas sais bente ng hapon, habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo angkas ang kanyang ina at pamangkin ng dikitan ng suspek sakay ng isang motor. Sinabi umano ng suspek na flat ang kanilang gulong kaya inihinto ng biktima ang motorsiklo. Paghinto ng biktima ay bigla na lamang itong binaril sa ulo ng suspek na kaagad tumakas patungong bayan ng Gabaldon.

Bonifacio Español was found lying lifeless with pool of blood inside his residence bedroom.

Bonifacio Español was found lying lifeless with pool of blood inside his residence bedroom.

 

 

San Antonio- Natagpuang naliligo sa kanyang sariling   dugo ang isang lalaki sa kanyang tahanan sa barangay San Mariano, bayan ng San Antonio. Kinilala ang biktimang si Bonifacio Espanol Jr. y Valle, ng nasabing lugar.

Ayon sa salaysay ng kapatid ng biktima, nakita na lamang niyang wala ng buhay at naliligo sa sariling dugo ang kanyang kapatid sa loob ng isa sa mga kwarto ng bahay nito.

Dinala sa isang punerarya ang labi ng biktima para sa autopsy examination.- ulat ni Clariza de Guzman.

 

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s