MGA MAGAGARANG MODERN FILIPINIANA NA GAWANG PINOY, INIRAMPA NG 23 KANDIDATA NG BINIBINING NUEVA 2015

23 kandidata ng Binibining Nueva Ecija sa kanilang Modern Filipiniana na gawang Pinoy kasama ang Provincial Tourism Officer of Nueva Ecija na si Tina Wycoco-Paulino

23 kandidata ng Binibining Nueva Ecija sa kanilang Modern Filipiniana na gawang Pinoy kasama ang Provincial Tourism Officer of Nueva Ecija na si Tina Wycoco-Paulino

Ibinida ng mga kandidata ng Binibining Nueva Ecija ang mga kasuotang gawang Pinoy na designer noong Sabado, August 22.

Bawat kandidata, may kanya-kanyang papel na ginampanan sa pagsasalarawan ng mga kasuotan.

Tulad ni Candidate ng Binibining Anihan 2015 ng Sta Rosa na si Cyril Luciano, nagningning ang ganda sa kanyang Filipiniana Gown na likha ng isang Novo Ecijanong Designer na si Rico Andrineda.

Agaw atensyon naman ang simpleng serpentina cut Filipiniana Gown ni Janine Padilla Mutya ng Peñaranda 2014 na inimbento ni Allan Valmonte at ng Binibining Zaragoza 2015 na si Ma. Isabella Victoria Liwag na gawa naman ni Abbog Ocampo.

Inspirasyon ni Candidate number 18, Roxanne Umali Binibining Cabanatuan 2015 ang Filipiniana Gown na ginamit ng isang kandidata sa Binibining Pilipinas na mas pinahusay pa ng Nueva Ecija Ellite House of Beauty.

Kapansin-pansin din ang Filipiniana Gown na gawa ni Tam Geronimo na isinuot ni Candidate Number 3 Janille Kaye Cuevas.

Makukulay na kasuotan naman ang ibinungad ng mga kandidata mula sa Talavera na si Justine May Lubguban,  Nicole Dianne G. Santos ng Sto Domingo at Micaela Santos ng Quezon.

Tila mga anghel na animo’y bumaba sa langit ang imahe ni Candidate Number 13 Cristina Francisco ng Licab, Candidate Number 14 Anna Angelica Guitierrez ng Guimba, Candidate Number 15 Majeda Lorenz Briggs ng Palayan City, Candidate Number 10 Cherjorie Pascual ng Nampicuan, Candidate Number 19 Nicca Angela Fider at Candidate Number 21 Abigail Faith Cawili ng San Jose City.

Magkakamukha man ng designer, buong pagmamalaki pa ring inirampa nina Candidate Number 1 Ma. Chrischelle S. Marañon at Candidate Number 23 Cindy Lee N. De Leon ang ginawa ng Likhang Gellangarin Couture, Candidate Number 20 Mica Muncal at Candidate Number 11 Mara Pangilinan na likha ni Gem Carlos ng Gapan City, Candidate Number 7 Andria L. Abella at Candidate Number 9 Krysztal Anne A. Villanueva na dinisenyo ni Michael Mendoza.

Hindi lang mga Novo Ecijanong designer ang nakisali sa kompetisyon. Maging ang ibang sikat na designer sa ibang lugar tulad ng Cofragias Closet sa Pampanga, ang likha ni Marvin Garcia ng Bulacan at ni Teresa Glean Ramos ng Manila ay agaw-eksena sa kanilang mga obra sa pamamagitan ng mga naggagandahang binibini na sina Christine M. Dela Cruz, Lecelle Trinidad at Rechelle G. Galimba.

Binase sa tatlong criteria ang pagpili sa mga kandidatang maaaring tanghalin bilang Best in Modern Filipiniana Attire. 50 % para sa Poise, Projection and Bearing, 30 % for Fabric, Materials Used and its Design at 20 % for Over-all Appearance.

Ayon kay Teresita Manzon, Chairman of the Board ng Modern Filipiniana Competition, may ilang mga designer ang hindi sumunod sa mga napag-usapan.

Gaganapin ang Coronation Night sa September 1, 2015 sa Nueva Ecija Convention Center, Palayan City sa ganap na alas-dos ng hapon.- Ulat ni Shane Tolentino

23 4 5