2015 Nueva Ecija Provincial Skills Competition, pormal ng binuksan

2014 ASC Lone Gold Winner Joshua Mina, habang sinisindihan ang Torch o Sulo bilang pagbubukas sa 2015 Nueva Ecija Provincial Skills Competition

2014 ASC Lone Gold Winner Joshua Mina, habang sinisindihan ang Torch o Sulo bilang pagbubukas sa 2015 Nueva Ecija Provincial Skills Competition

Pormal ng binuksan kamakailan ang 2015 Nueva Ecija Provincial Skills Competition sa pamamagitan ng pagsisindi ng torch o Sulo na pinangunahan ni 2014 ASC lone Gold Winner Joshua Mina.

Matapos nito ay ipinarada habang iwinawagayway ng labing walong paaralan na kalahok sa naturang kompetisyon ang kanilang flag, kasunod nito ang panunumpa ng mga delegado na sila’y magiging patas sa pakikipagtagisan ng galing pagdating ng kompetisyon.

Ayon kay TESDA Regional Director Teodoro M. Gatchalian, ng region III, dito masusukat ang lebel ng kakayanan ng mga Technical Vocational graduates o maging ng mga tech-voc students pagdating sa aktwal na pagsasagawa ng kanilang mga natutunan.

Ang mga mananalo sa kompetisyon na sisimulan ngayong linggo ay nakatakdang ipadala sa regional hanggang sa national competition na maaaring makapagbigay ng karangalan hindi lamang sa probinsya o rehiyon kundi maging sa bansang Pilipinas.

Buong pagmamalaki namang inihayag ni Governor Aurelio Matias Umali, ang kanyang paghanga sa kakayanan ng mga Novo Ecijano pagdating sa pakikipagtagisan ng galing hindi lamang sa rehiyon kundi maging sa ibang bansa.

Naniniwala ang Gobernador na sa darating pang mga taon, hindi lamang isang medalya ang kayang maiuwi ng mga Pilipino, partikular na ng mga Novo Ecijano para sa karangalan ng bansa.

Samantala, hinamon naman ni OIC-Provincial Director Melanie Grace Romero ang mga kalahok na ipakita ang kanilang mga talento at galing sa kompetisyon at maging bukas sa pagtanggap ng maaaring maging resulta ng labanan. -Ulat ni Shane Tolentino

 

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s