Bahay, Nilooban; Php 130, 000.00 na Halaga ng mga Alahas at Kagamitan, Natangay; Magsasaka, Niratrat ng Tandem, Dedo

Albert Tangzon discovered that the lock of their kitchen door was destroyed by the suspects.

Albert Tangzon discovered that the lock of their kitchen door was destroyed by the suspects.

Umaabot sa mahigit kumulang Php 130, 000.00 na halaga ng mga alahas at kagamitan ang natangay ng mga kawatan na nanloob sa bahay ng isang negosyante sa barangay Aduas Norte, Cabanatuan City.

Kinilala ang umuokopa ng tahanan na si Albert Tangzon, kapatid ng may-ari ng bahay na si Lovella Tangzon y del Rosario, 40-anyos.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, bandang 6:00 ng gabi ng mangyari ang insidente, habang wala si Albert sa tahanan dahil umattend ito sa burol ng kanilang kapatid sa Baler, Aurora.

Pagbalik ni Albert sa bahay natuklasan na wasak ang lock ng pinto sa kusina kung saan pumasok ang mga hindi nakilalang suspek.

Jerry Dawang was repeatedly shot by riding-in-tandem.

Jerry Dawang was repeatedly shot by riding-in-tandem.

 

Barangay Pamaldan- Dead on the spot ang isang magsasaka matapos ratratin ng riding in tandem sa kahabaan ng Cabanatuan-Aliaga road sa Purok Acacia, barangay Pamaldan, Cabanatuan City.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Jerry Dawang y Pascua, 32-anyos, may asawa, residente ng barangay Sto. Tomas, Aliaga.

Ayon sa ulat ng pulisya at SOCO, dakong 4:20 ng umaga ng maganap ang pamamaril sa biktima ng hindi nakilalang suspek gamit ang isang maikling baril.

Mabilis na tumakas ang suspek na umangkas sa isang motorsiklo na minaneho ng hindi rin nakilalang driver.- ulat ni Clariza de Guzman.