Dobol P, Maninindigan sa Katotohanan

 “Dobol P” Boses ng Katotohanan

“Dobol P” Boses ng Katotohanan

Haharapin at hindi umano aatrasan ni Philip “Dobol P” Piccio ang kanyang laban kontra siyam na kaso ng libelo na isinampa ni Ria Vergara na asawa ng Mayor ng Cabanatuan City na si Jay Vergara.

Kumpiyansa si Piccio na habang dinidinig ang kanyang kaso ay lalabas ang katotohanan.

Si Dobol P ay kinasuhan ng libelo dahil sa kanyang pagtuligsa sa diumano’y mataas na presyo ng kuryente na sinisingil ng CELCOR o Cabanatuan City Electric Corporation kung saan Vice President at Finance Chief Officer si Ria.

Nakaagapay kay Piccio sa pakikipaglaban ang Cabanatuan City Consumer’s Association na naninindigan na hindi tama ang presyo ng kuryente sa Cabanatuan.

Umaasa ang Consumer’s Association na makiisa sa laban ang lahat ng mga apektadong Cabanatueño upang lumabas ang katotohanan sa isyu ng presyo ng kuryente sa Cabanatuan. – ulat ni Clariza de Guzman