45-Anyos na Lalaki Pinuntirya ng Tandem sa Ulo, Patay; 12-anyos na Estudyante, Dalawang Beses Hinalay ng Sariling Ama

45-year old Florante delos Reyes of San Jose, Cuyapo was shot by the riding in tandem.

45-year old Florante delos Reyes of San Jose, Cuyapo was shot by the riding in tandem.

Patay agad ang isang kwarenta’y singko anyos na lalaki matapos puntiryahin sa ulo ng riding in tandem sa barangay Malineng, bayan ng Cuyapo.

Kinilala ang biktimang si Florante delos Reyes y Agpalo, residente ng barangay San Jose ng naturang bayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas syete ng umaga, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng kalsada ng nasabing lugar sakay ng minamanehong tricycle ng buntutan ng dalawang lalaki lulan ng motorsiklo at patraydor na binaril ang biktima sa ulo na nagging sanhi ng kanyang kagyat na kamatayan.

Magka-angkas sa isang pulang Honda Wave Motorcycle na walang plaka ang mga hindi nakilalang suspek na tumakas patungo sa direksyon ng barangay Baloy, Cuyapo.

Tahanan ni Maria, home for the girls located at Mampulog, Bitas, Cabanatuan City.

Tahanan ni Maria, home for the girls located at Mampulog, Bitas, Cabanatuan City.

Cabanatuan City- Kasalukyang nasa ilalim ng pangangalaga ng Tahanan ni Maria sa barangay Bitas, Cabanatuan City ang isang dose anyos na estudyante makaraang matuklasan na dalawang beses umano itong ginahasa ng kanyang sariling ama.

Kakaharapin ng suspek na si Alberto Joson y Dalacat, trenta’y kwatro anyos, residente ng Purok Tres, Aduas Sur, ng naturang lungsod ang dalawang kaso ng rape na inihain laban sa kanya.

Napag-alaman na sa dalawang magkahiwalay na okasyon pinagsamantalahan ng suspek ang kanyang sariling anak sa loob ng kanilang tahanan noong December 25, 2013, araw ng pasko at January 1, 2014, habang nagdiriwang ng bagong taon.- ulat ni Clariza de Guzman