2 paaralan sa Bongabon napagkalooban ng PC Tablets at Solar Generator

Number one priority umano ni mayor allan gamilla ang programa sa edukasyon sa bayan ng bongabon kaya naman nakipagtulungan ang punong bayan sa global peace foundation, at samsung philippines kaya napagkalooban ng pc tablets, at solar generator ang Tamale Elementary School Annex Jaime Gamilla Elementary School.2

Sa pakikipagtulungan ng Samsung, Global Peace Foundation Philippines at DepEd ,kasama pa ang pamahalaang lokal ng bongabon at pamahalaang panlaalwigan ay nabuo ang naturang Turn Over Ceremony.

Kahit malayo at liblib ang lugar ay  binigyang pansin ng alkalde ang dalawang paaralan upang ipaabot ang naturang programa para narin sa ikagaganda ng  layunin ng paaralan na maibigay ang mas maayos na edukasyon ang mga kabataang nag-aaral doon.

Magandang prebilehiyo ito para sa mga mag-aaral ng Tamale Elementary School na makatanggap ng mataas na kaalaman sa pamamagitan ng modernong teknolohiya.

Ang mga naturang gadget ay magagamit sa pag-aaral ng mga bata pagkat may mga application na nakainstall na siyang maibabahagi ng mga guro para sa kanilang pagtuturo.

3Layunin naman ng Global Peace Foundation ang maging Solar Generated Class ang  mga paaralang walang suplay ng kuryente

Ayon naman kay  Aldrin Nituma ang Executive Director ng Global Peace Foundation na nais nilang matulungan ang komonidad sa ikauunlad nito at ukol narin sa kabuhayan ng mga residente doon lalo na ang  mga kabataan.

Ang Samsung Philippines naman ay may programa na tinawag nilang na  Samsung  Smart Classroom na sinimulan noong 2013 .

Ito ay naglalayon na matulungan ang mga eskwelahan na hindi kalimitan na naaabot ng tulong at nalilimutan dahil sa malayong distansiya mula sa mismong bayan ng isang lugar.

Hindi lang regalo ang hatid ng Samsung kaszama narin ditto ang training para sa mga guro ukol sa paggamit at pagaalaga ng mga naturang gadget.

Nagbigay naman ng mensahe si Mayor Gamalla sa kanyang mga kababayan.