NORTH DISTRICT, WIPED-OUT SA SOUTH DISTRICT

Nanaig ang lakas ng South District sa naganap na Quarter Final Round nitong Sabado at Linggo. Wiped-out ang North District matapos makipagsagupaan sa mga koponang pasok sa top 4 ng South District.

Sa naganap na laban, nagkaroon ng pag-asa ang kampo ng Bongabon at Gapan na makapasok sa semifinal round matapos talunin ng magkasunod na araw ang koponan ng Guimba at Muñoz na nangunguna sa North District.

BONGABON VS GUIMBA

BONGABON VS GUIMBA

Noong Sabado (August 15), magandang team work ang ipinakita ng Bongabon Onion Kings laban sa Guimba. Unang araw pa lang ay tinambakan na ang nasabing koponan na umabot sa 25 puntos ang lamang ng Bongabon na nagtapos sa score na 121-96. Araw ng Linggo (August 16), nagharap muli ang Guimba at Bongabon ngunit hindi na pinagbigyan na makabawi pa ang Guimba at pinangatawanan na makapasok sa Semi-Final Round.

SCIENCE CITY OF MUÑOZ VS GAPAN CITY

SCIENCE CITY OF MUÑOZ VS GAPAN CITY

Sa pagitan ng Muñoz at Gapan, buo ang loob ng Gapan na talunin ang Muñoz na nangunguna sa North District. Mas matibay na depensa ang ipinamalas ng Gapan kaya ang Muñoz nahirapan ng todo. Sa dalawang magkasunod na laro, tinambakan ng halos 20 puntos ang Muñoz.

Samantala, sa unang araw ng paghaharap, hindi nagtagumpay ang Rizal at San Jose City na pataubin ang dalawang koponang nangunguna sa South District.

SAN LEONARDO VS SAN JOSE CITY

SAN LEONARDO VS SAN JOSE CITY

Dikitan ang naging laban ng San Leonardo at San Jose buhat ng magsimula ang laro. Aminado ang coach ng San Leonardo na si Coach Maniego, sadyang malakas ang team ng San Jose subalit sila ang pinalad na manalo sa pagtatapos ng laro sa score na 89-82.

SAN ISIDRO VS RIZAL

SAN ISIDRO VS RIZAL

Sa makapigil-hiningang Game 3 ng QFR, tinalo ng San Isidro ang Rizal sa score na 115-109 via overtime. Kontrolado ng Rizal ang 1st half ng laban kung saan hirap ang San Isidro sa depensa at opensa nito. Pagpasok ng third quarter, lalong nalagay sa alanganin ang San Isidro kung saan lumobo sa 11 puntos ang lamang ng Rizal, 82-71. Pagpasok ng 4th quarter, hirap pa rin ang San Isdiro sa paghabol ng malaking kalamangan ng Rizal. Sa nalalabing 52 segundo, 90-94, na-foul ni Caducio ng Rizal si Jejillos ng San Isidro upang lumapit sa 92-94 ang score. Sa natitirang 10 segundo, naitabla ni Gonzales ang laban sa score na 94-94.  May tsansa pa sana ang Rizal na makapuntos subalit naubusan na ng oras.

Sa mga nais makapanood ng kabuuan na laban, abangan sa August 22 at August 23 sa ganap na alas nuebe ng umaga ditto lamang sa inyong kaibigan TV48. – Ulat ni Shane Tolentino

Totally Wiped out

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s