May-ari ng Cell Phone Shop, Bulagta sa Pamamaril; Binata Binoga ng Tandem Habang Nanonood ng Basketball, Todas

Si Melchor Concepcion ay pinagbabaril habang kausap ng kanyang mga kostumer sa palengke ng Zaragoza.

Si Melchor Concepcion ay pinagbabaril habang kausap ng kanyang mga kostumer sa palengke ng Zaragoza.

Utas ang isang may-ari ng cell phone shop matapos puntiryahin sa ulo ng gun man sa palengke ng bayan ng Zaragoza na nasasakop ng barangay San Isidro.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng calibre .9mm ang biktimang si Melchor Concepcion y Matic, kwarenta’y syte anyos, may asawa, tubong Sta. Monica, Concepcion Tarlac, at naninirahan sa barangay Concepcion, Zaragoza.

Samantala ang hindi nakilalang suspek na mabilis na tumalilis makaraang maisagawa ang krimen ay may taas na 5’3 at katamtaman ang pangangatawan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas kwatro bente ng hapon, habang kausap ng biktima ang kanyang mga kostumer ng dumating ang isang lalaki sakay ng isang kulay itim na motorsiklo.

Huminto umano ito sa tapat ng pwesto ng biktima. Pagbaba nito sa motor ay bigla na lamang pinagbabaril ang biktima hanggang sa bumulugta.

Nadamay sa pamamaril si David James na isa sa mga kostumer ng biktima, na nasugatan sa kanyang tuhod.

Isang 21-anyos na binata ang binaril ng riding in tandem habang nanonood ng basketball sa Sta. Barbara, bayan ng San Antonio.

Isang 21-anyos na binata ang binaril ng riding in tandem habang nanonood ng basketball sa Sta. Barbara, bayan ng San Antonio.

Narekober ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen ang limang piraso ng basyo ng bala ng .9mm na baril.

San Antonio- Patay ang isang binata matapos barilin ng riding in tandem habang nanonood ng laban ng basketball sa Purok singko, barangay Sta. Barbara, bayan ng San Antonio.

Kinilala ang biktimang si Leonard Pascual y De Leon, bente uno anyos, driver, at residente ng naturang lugar.

Habang ang dalawang hindi nakilalang suspek ay magka-angkas sa isang kulay black na

Suzuki motorcycle GT 110 na may “for registration” na plaka.

Base sa ulat ng San Antonio Police Station, dakong alas singko ng hapon, nanonood ng nasabing palaro sa barangay ang biktima nang bigla na lamang asintahin ng mga suspek gamit ang isang kalibre kwarenta’y singkong baril.

Tinamaan sa leeg ang biktima na kaagad na isinugod sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Nagpaputok umano sa iba’t ibang direksyon ang tandem makaraang barilin ang biktima kung kaya nagawang makatakas ng mga ito.

Paalala po sa ating mga kaibigan, lagi po tayong maging alerto at mag-ingat, dahil ang krimen ay nangyayari kahit saan, kahit kalian.- ulat ni Clariza de Guzman.