“Shabu”, Nakuha sa Bulsa ng Bangkay ng Isang Lalaki; Nakaparadang Tricycle, Tinangay ng Magnanakaw

Found male cadaver in Sitio Angeles, Brgy. Soledad, Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Found male cadaver in Sitio Angeles, Brgy. Soledad, Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Natagpuang nakahandusay sa damuhan sa gilid ng kalsada ang bangkay ng isang lalaki na may mga tama ng bala ng baril sa Sitio Angeles, barangay Soledad, Sta. Rosa.

Tinatayang nasa edad 40 ang lalaki, may taas na 5’3, maputi, payat, nakahubad baro, nakasuot ng six pocket shorts na kulay blue green, naka-rubber shoes, at nakatakip ng jacket na kulay blue at white ang mukha nito ng madiskubre.

Base sa imbestigasyon ng otoridad, bandang 6:00 ng umaga nakarinig ng mga putok ng baril ang isang residente ng naturang barangay bago natagpuan ang bangkay.

Narekober sa crime scene ang tatlong yuping bala, at  apat na basyo ng kaha ng caliber .9mm.

Nakuha naman mula sa bulsa ng lalaki ang isang plastic sachet na bahagyang nakabukas na naglalaman ng hinihinalang shabu  at siyam na piraso ng nakabukas na plastic sachet na wala ng laman.

San Jose- Tinangay ng magnanakaw ang kulay black Honda CB125 motorized tricycle na nakarehistro sa pangalan ni Helen Grace Mislang ng barangay San Agustin, San Jose City.

May chassis number KYY30021496, at engine number na KYY30E021401 ang motorsiklo.

Sa sinumang may impormasyon kaugnay nito ay mangyaring kumontak po kayo sa numerong 09234523600.- ulat ni Clariza de Guzman.