59-Anyos na Lalaki, Binoga ng Tandem sa Harap ng Simbahan

Kingdom Hall of Jehova’s Witnesses in San Antonio, Cuyapo.

Kingdom Hall of Jehova’s Witnesses in San Antonio, Cuyapo.

Sugatan ang isang singkwenta’y nueve anyos na lalaki makaraang barilin ng riding-in-tandem sa harap ng Kingdom Hall of Jehova’s Witnesses sa barangay San Antonio, Cuyapo.

Tinamaan sa taas ng kanyang kaliwang dibdib ang biktimang si Carmelito Martinez y Sotelo, residente ng barangay Cacapasan ng nasabing bayan.

Ayon sa report ng Cuyapo Police Station, dakong alas nueve ng umaga habang nakatayo ang biktima sa harap ng simbahan ng dumating ang dalawang suspek na naka-itim na bonnet sakay ng isang motorsiklo.

Pagbaba umano ng nakaangkas sa motor ay lumapit ito sa kinaroroonan ng biktima sabay bunot ng baril na nakasuksok sa bewang nito at binaril ang biktima.

Kaagad na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng bayan ng Guimba.

Paalala po sa ating mga kaibigan, lagi po tayong maging alerto at mag-ingat dahil ang krimen ay nangyayari kahit saan, kahit kalian. –ulat ni Clariza de Guzman