Participating teams para sa NECSL Season 4, nakipag talakayan sa second meeting para sa papasok na liga

Nag meeting na ang mga coaches na kalahok sa Nueva Ecija Collegiate Sports League (NECSL) Season  4. Naging masusi ang pag balangkas ng pamunuan ng NECSL sa mga guidelines pati na rin sa pag tugon ng pangangailangan ng bawat teams.

Tinalakay na ang mga rules at inalam na rin ang mga kulay na mag re-represent sa mga team.

Ayon kay Coach John ng CIC, pinaghandaan nila ang Season an ito katulad ng mga nakaraan pa.

Isang panibagong taon naman ito upang I-depensa ng Wesleyan University ang kanilang titulo bilang reigning champion ng Basketball.

Sasabak din ang CRT sa dance sport para sa taong ito. Ang CRT Blue Fox  ang two times reigning champion ng Cheer Dance competition ng NECSL. 1

Dito pa lamang ay todo na ang pag hahanda ng mga koponan, tutukan ang mga update sa nalalapit na pag sabak ng mga participating teams para sa Nueva Ecija Collegiate Sports League Season 4 –Ulat ni Amber Salazar