Bangkay ng 26-anyos na Kelot, Natagpuan sa Harap ng Subdivision; at Driver Binoga, Sugatan

Found male cadaver in front of Sacred Heart Subd. in Cabanatuan City.

Found male cadaver in front of Sacred Heart Subd. in Cabanatuan City.

Natagpuang nakahandusay ang bangkay ng isang 26-anyos na lalaki sa harap ng Sacred Heart Subdivision sa barangay Kalikid Norte, Cabanatuan City.

Kinilala ang biktimang si Jeffrey Enriquez y Urmatan, may asawa, residente ng Purok 3 ng naturang barangay.

Base sa report ng pulisya, bandang 2:30 ng madaling araw nang madiskubre ang katawan ng biktima na kaagad na ini-ulat ng isang concerned citizen sa istasyon ng pulisya.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng caliber .9mm na baril.

Nakuha naman mula sa bulsa ng biktima ang limang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at isang cell phone.

2Cabanatuan City- Sugatan ang isang driver matapos barilin ng hindi nakilalang suspek sa Batisan St. barangay Aduas Norte.

Kinilala ang biktimang si Evaristo de Jesus y Enriquez, 40-anyos, may asawa, ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng otoridad, dakong alas tres ng hapon ng bigla na lamang paputukan ng suspek ang biktima gamit ang isang maikling baril.

Agad na tumakas ang gunman sakay ng isang motorsiklo samantala isinugod naman sa ospital ang biktima na tinamaan sa kanang tuhod.- ulat ni Clariza de Guzman.