4 NA KOPONAN NA PASOK SA QFR MULA SA NORTH DISTRICT, PINANGALANAN NA

Mula sa 10 koponan na lumahok sa North District, 4 na koponan na lamang ang natira at siyang aabante para makipagsagupaan sa kikilalaning top 4 mula sa South District sa darating na Linggo.

4 NA KOPONAN NA PASOK SA QFR MULA SA NORTH DISTRICT, PINANGALANAN NA

Sa paghaharap ng Muñoz at Guimba noong Sabado, tinuldukan na ng Muñoz ang pag-asa ng Guimba na maungusan ang kanilang koponan para sa unang pwesto ng palaro.

Sinubukan ng Guimba na habulin ang malaking kalamangan nito hanggang sa matapos ang huling quarter ngunit bigo pa rin ang mga ito.

Nagtapos ang laban sa pagitan ng Muñoz at Guimba sa iskor na 83-68.

Mas nakahihigit ngayon ang Muñoz dahil sila ang naghari mula sa unang pwesto at may pagkakataong talunin ng dalawang beses ng makakalaban mula sa South District na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin matukoy.

para sa web2

Kabilang din sa pasok sa Top 4 mula sa North ang bayan ng Guimba na nasa ikalawang pwesto, bayan ng Rizal para sa ikatlong pwesto at San Jose City mula sa ika-apat na pwesto.-Ulat ni Shane Tolentino