Bagong Ebola Vaccine na sinusubukan sa west Africa, mataas ang success

rVSV-ZEBOV vaccine

rVSV-ZEBOV vaccine

Nabuhayan ng pag asa ang World health Organization na tuluyan nang mapupuksa ang Ebola matapos ilabas ang mga resulta ng test para sa bagong Ebola vaccine na rVSV-ZEBOV. Inaasahan na aabot sa 100% ang  effectiveness ng vaccine na ito at tinaguriang “Game Changer” pagdating sa pag puksa sa Ebola.

Matagal nang nag titiis ang West Africa sa bangis ng Ebola at sa loob ng mahabang panahon ilang mga uri na ng vaccine ang nabigong puksain ang sakit na ito.Ngunit, sa pag pasok ng vaccine na rVSV-ZEBOV nabuhayan ng pag asa ang mga sayantipiko na Maaari pang mapuksa o di naman kaya’y malabanan na ang sakit upang tuluyan na itong hindi makapaminsala.

Ebola Patient Photo courtesy of World Health Organization

Ebola Patient Photo courtesy of World Health Organization

Nasa trial stage pa rin ang Vaccine at patuloy na dine-develop upang  tuluyan nang magamit sa pag puksa ng ebola. Sinubukan sa 42 clusters ang vaccine na ito kung saan ang ilan dito ay binigyan agad ng vaccine at ang pangalawa naman ay pina abot ng 21 days bago tuluyang bigyan ng vaccine.

Ang cluster na binigyan agad ng vaccine ay hindi nagkaroon ng Ebola o nagkaroon ng zero cases habang labing anim naman ang dinapuan sa cluster na pina abot muna ng 21 days bago binigyan ng vaccine na ito. Bumababa man ang kaso ng ebola hindi Malabo na magkaroon muli ng outbreak nito.

rVSV-ZEBOV shipped to Liberia for testing photo courtesy of WHO

rVSV-ZEBOV shipped to Liberia for testing photo courtesy of WHO

kaya naman maingat ang mga sayantipiko sa pag aaral ng rVSV-ZEBOV upang masigurado na epektibo nga ito at kaya nitong puksain ang Ebola o di naman kaya ay ihanda ang katawan ng tao upang labanan ang sakit na ito.

Kung magiging successful ang vaccine na ito ay maihahanay na ang Ebola sa mga sakit katulad ng bulutong na dati ay kinatakutan bago pa man nagkaroon ng vaccine para dito.-Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio

ang pag tetext ay nakakamatay

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s