“SHABU” AT KUTSILYO, NAKUHA NG OTORIDAD SA PINASLANG NA MANGGAGAWA; 33-ANYOS NA WELDER, INAGAWAN NG MOTORSIKLO

SOCO team recovered from August Canlas’ belongings are 1 small plastic sachet containing suspected shabu residue and bladed weapon.

Nakuha ng mga otoridad  mula sa pinaslang na manggagawa sa barangay Sto Cristo, bayan ng San Antonio ang isang maliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang kutsilyo, at isang unit ng mobile phone.

Matatandaan na noong July 22, 2015 pinagbabaril ng mga hindi nakilalang suspek sa isang iskinita sa nasabing lugar ang biktimang si  Augusto Canlas y Pangilinan alyas “August”.

Base sa follow-up investigation ng pulisya, lumalabas na sangkot sa illegal na droga at mga insidente ng nakawan sa barangay Luyos, San Antonio ang biktima.

Ngunit sa kabila nito ay bigo pa rin umano ang mga otoridad na matukoy ang motibo sa likod ng pagpatay sa biktima.

Cabanatuan City- Inagaw ng tatlong hindi nakilalang suspek sa kahabaan ng Gabaldon St. corner General Tinio St. ang Honda Wave 100 motorcycle na kulay red at black na may plate number 9442 RA na minamaneho ni Ariel Bermudez, welder, at residente ng barangay Camp Tinio ng naturang lugar.

Sa sinumang may impormasyon sa ninakaw na motorsiklo ay kumontak po kayo sa numerong 09364608970.- ulat ni Clariza de Guzman.